GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, proud sa Best Actress win sa FAMAS Awards 2025 para sa 'Balota'

By Karen Juliane Crucillo
Published August 27, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: 44% of Pinoys expect quality of life to improve in 2026
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Taos-puso ang pasasalamat ni Marian Rivera sa unang Best Actress award niya mula FAMAS 2025 para sa 'Balota.'

Muling pinatunayan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kaniyang husay bilang aktres sa bago niyang award na natanggap.

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Martes, August 26, labis ang pasasalamat ni Marian sa kaniyang first-time Best Actress award mula sa FAMAS Awards 2025 para sa kaniyang pelikulang Balota.

Ibinahagi rin ng aktres na natutuwa siya dahil buhay pa rin at nasa puso ng mga tao ang kaniyang karakter na si Teacher Emmy.

"Iba-iba kasi tayo kapag gumagawa tayo ng pelikula, may iba-iba tayong dahilan. This time, Balota, ang dahilan nito ay you contribute for your country," sabi nito.

Inamin din ni Marian na marami siyang natutunan sa pagganap bilang Teacher Emmy.

Dagdag pa niya, "Marami akong realization at marami pa akong nalaman sa kung ano ba talaga 'yung totoong kalagayan ng ating lipunan."

Matapos ang kaniyang pagkapanalo bilang Best Actress, sinabi ni Marian na bukas siya sa mga bagong proyekto.

"Kung ano na lang 'yung dumating na projects at ibigay sayo ni Lord ay tatanggapin mo na lang ng buong-buo. Siguro kapag kabataan mo, marami ka dapat i-goal pero sa punto nito sa buhay ko kumbaga kung ano 'yung nandyan na project at maganda, subukan kung wala, okay lang," sabi ni Marian.

Samantala, mapapanood pa rin si Marian bilang isa sa mga dance authority sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

RELATED GALLERY: The many achievements of Marian Rivera