
Isa si Marian Rivera sa celebrities na may malaking pangalan sa mundo ng show business.
Sa naging panayam ni Ogie Diaz kina Dingdong Dantes at Marian sa isang vlog, napag-usapan nila ang tungkol sa ilang komento na natatanggap ng huli tungkol sa umano'y pagiging mataray niya.
Ayon sa sagot ng Kapuso Primetime Queen, tama naman daw ang tingin ng iba sa kanya, ngunit mayroon naman siyang paliwanag tungkol dito.
Pahayag ni Marian, “Mataray naman talaga ako… 'Yung pagiging mataray ko naman, arte-arte lang. Kumbaga, ito lang ako kasi sa Cavite talaga ganito talaga kami. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako sweet, hindi ako caring."
Dagdag pa niya, "Siguro ganon lang 'yung perception pero 'pag nakikilala naman ako, baklang babae naman ako. So, okay lang ako na ganon ako."
Nabanggit din niya, “Ganon 'yung mahirap minsan, kapag hindi mo kilala 'yung isang tao talagang madali mag-judge, ganito 'yan…”
Hiling naman niya sa mga taong madali siyang hinuhusgahan, “Okay lang, walang problema sa akin, pero gusto ko makatrabaho mo ako bago mo ako i-judge.”
Diin pa niya, “'Yung pagiging mataray [nasa lugar naman]. Kapag ayaw ko talaga, transparent kasi ako…”
Sa comments section ng naturang vlog, ilang mga kababayan ng aktres ay sumang-ayon sa kanyang sinabi.
Ang ilan ay mas humanga pa kay Marian dahil sa pagiging totoo niya tungkol sa kanyang sarili.
Panoorin ang panayam kina Marian at Dingdong dito:
Sa parehong panayam ni Ogie, napag-usapan din nila ang ilang detalye tungkol sa pelikula nina Marian at Dingdong na Rewind, isa sa mga pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.
Samantala, abangan si Marian sa upcoming GMA series na My Guardian Alien.