
Sa halip na hiling, puro pasasalamat daw ang nasa isip ni Marian Rivera sa pagdiriwang niya ng kanyang 40th birthday ngayong August 12.
“Sa totoo lang, yung birthday wish ko parang hind inga wish, e,” sabi ni Kapuso Primetime Queen sa isang panayam kamakailan.
Patuloy pa niya, “Siguro yung dasal ko ngayon yung pasasalamat ko kay Lord. Salamat sa lahat ng blessings na binibigay niya sa akin, hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko.
“Parang sobra-sobrang biyaya at pasasalamat na lahat kami ay safe, lahat kami ay healthy, lahat kami ay masaya, intact yung pamilya namin at yung extended family namin.
“So, doon pa lang, very thankful na ako at hindi ako magsasawang magpasalamat kay Lord doon sa mga blessing na yan.”
Samantala, hiniling din ng aktres na tangkilikin ang pelikulang Balota, ang unang proyekto niya sa Cinemalaya.
Natupad naman ito at higit pa ang nangyari dahil, bukod sa pagiging box office hit, kinilala rin si Marian bilang isa sa dalawang Best Actresses na hinirang 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Bago ito, nagpasalamat na si Marian nang tanungin siya sa posibilidad na magwagi ng Best Actress award.
Sabi pa niya, 'Yung experience na ibinigay sa akin ng Cinemalaya, especially the Balota, yun pa lang panalo na po ako. Parang walang hihilingin pa. Especially kung bakit nila ginagawa itong Cinemalaya, kapag naintindihan ng mga tao at bakit gumagawa ng mga pelikulang ganito, siguro mas maa-appreciate po sila. Base sa experience ko sa Balota, yun pa lang ay priceless para sa akin. At sabi ko nga, sana maulit ulit.”
Panoorin ang trailer ng Balota rito:
Kilalanin ang cast ng Balota rito: