GMA Logo Marian Rivera
Photo by: marianrivera (IG)
Celebrity Life

Marian Rivera says the pandemic made her realize her priorities in life

By Aimee Anoc
Published August 14, 2022 2:05 PM PHT
Updated August 14, 2022 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


"Ang daming nabigay na realization itong pandemic... na pahalagahan natin kung ano 'yung nandyaan at kung ano ba talaga 'yung mahalaga, which is your family and your health." - Marian Rivera

Ikinuwento ni Primetime Queen Marian Rivera ang mga natutunan niya sa patuloy pa ring nararanasang pandemya ng mundo.

Ayon kay Marian, ang pandemya ang nagpa-realize sa kanya ng mga bagay na dapat na unahin at bigyang halaga.

"It made me realize the value of relationships," sabi ni Marian sa interview sa Cosmopolitan Philippines.

A post shared by Cosmopolitan Philippines (@cosmopolitan_philippines)

Dagdag ng aktres, "Sa relationships natin, minsan we take for granted 'yung mga taong mahalaga at malapit sa atin. Sa sobrang busy natin, iniisip natin na nandyan lang sila, okay lang sila, safe sila, kumakain sila roon. The pandemic made me see na dapat focus tayo sa kanila.

"We keep thinking about the future na hindi pala natin alam kung sa future na iyan nariyan pa sila o naandyan ka pa sa future na iyon. Better talaga na pahalagahan mo talaga 'yung mga taong nandyan para sa iyo, lalo na ang family mo."

Natutunan din ni Marian na bigyang prayoridad ang kalusugan ng buong pamilya. Aniya, "Before, parang, okay lang, bahala na, but when the pandemic started, naging mas aware tayo na we should take care of ourselves. You have to take measures to protect yourself at ang family mo."

Para sa 38-year-old na aktres, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang pamilya at ang kalusugan nila.

"Ang daming nabigay na realization itong pandemic na ito, na baka wake-up call sa ating lahat na pahalagahan natin kung ano 'yun nandyaan at kung ano ba talaga 'yun mahalaga, which is your family and your health," pagbabahagi ni Marian.

TINGNAN ANG 38TH BIRTHDAY CELEBRATION NI MARIAN RIVERA RITO: