GMA Logo Marian Rivera
Photo by: mikee IG
What's Hot

Marian Rivera's 'All by Myself' video, kinaaliwan ng fans

By Kristine Kang
Published November 4, 2024 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Marian Rivera, singer era na ba?

Tuloy pa rin ang pagbibigay ng good vibes online ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Kamakailan lang, marami ang naaliw sa kaniyang viral at makulit na video kasama ang iba pang Kapuso stars sa kaniyang Halloween dinner.

Sa Instagram ng Lutong Bahay host na si Mikee Quintos, kitang-kita na todo bumibirit ang Kapuso star sa pagkanta ng awitin ni Celine Dion na "All By Myself". Nagpakita pa siya ng stunts, kung saan hinagis niya ang mic bago ituloy ang pagkanta.

Ngunit habang tumagal ang video, binunyag ng camera na ang Asia's Limitless star na si Julie Anne San Jose ang totoong kumakanta sa karaoke.

Kita rin sa video ang tawanan ng iba pang Kapuso guests, tulad nina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, at marami pang iba.

Maliban sa video ni Marian, nag-post din si Mikee ng kanilang unforgettable snaps mula sa party ni Marian at ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Kasama rin ang iba pang karaoke sessions nila magkasama.

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

Maraming netizens ang nag-comment sa post, kung saan ibinahagi nila ang kanilang aliw sa makulit na video ni Marian.

Naghatid din ng saya sina Marian Rivera at Sassa Gurl sa kanilang bagong video sa TikTok.

Sa naturang video, mapapanood ang Balota stars na nag-uusap tungkol sa kanilang natanggap noong Teachers' Day. Matapos ito, nagsimula na ang “chismisan” ng dalawa hanggang sa nabanggit nila ang pelikulang Balota. Ang kanilang makulit na energy ay pinusuan ng maraming netizens kaya't pumatok ang kanilang collaboration online.

Samantala, patuloy namang napapanood ang Balota sa mga sinehan nationwide.

BALIKAN ANG PREMIERE NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.