
Isang masayang gabi ng kantahan ang hatid ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo (May 1).
Ipapamalas nina The Clash Season 4 grand champion Mariane Osabel at Season 1 finalist Anthony Rosaldo ang kanilang vocal talents laban sa The Mema Squad, na pamumunuan ni The Clash alum Jennie Gabriel.
Sasabak sina Mariane, Anthony, at The Mema Squad sa nakatutuwang sing-off kung saan aawitin nila ang kanilang paboritong mga kanta mula sa '70s hanggang sa 2020s.
Sa musical quiz na “The Guessing Game,” magkakaroon ng dalawang teams na pamumunuan nina Boobay at Tekla. Dito, susubakan ng TBATS hosts na maisahan ang isa't isa sa panghuhula ng familiar tunes na ipe-perform nang live ni Jennie.
Sasabak naman sina NCAA courtside reporters Lance Santiago at Aya De Quiroz sa isang riot edition ng “Don't English Me.”
Sa larong ito, kabilang sina Aya at Lance sa team nina Boobay at Tekla, at haharapin nila ang The Mema Squad na binubuo nina John Vic De Guzman, Ian Red, at Pepita Curtis.
Abangan ang masasayang kaganapan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 1) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.