
Sa pagsikat ng K-pop at P-pop acts, nakakaramdam kaya ng pressure ang The Clash Season 4 grand champion na si Mariane Osabel na ibahin ang kanyang istilo para makipagsabayan sa mga nauusong banda?
Saad ni Mariane sa naganap niyang online media conference para sa single na 'Pira-Piraso,' "No, I'm really not pressured na ibahin 'yung sound ko.
"My genre is power ballad, and gusto ko po mag-stick diyan pero hindi ko po sinasabi na hindi ako open sa K-pop sounds. Of course gusto ko rin po na kantahin kung kaya ko naman kantahin ang mga pop songs pero I'm not really pressured, 'yung kailangan kong i-adjust ang sarili ko."
Dagdag ni Mariane, nais niya rin magpatuloy sa paggawa ng mga kanta at maging mas kilala pa sa industriya.
"Gusto kong mag-release ng songs sana may mag-hit na kanta, sana 'yun 'yung mag-sustain sa akin sa entertainment world."
Bukas din si Mariane sa pagsabak sa acting at kasalukuyan na rin siyang nag-te-training para rito.
"Opo, open po talaga ako sa mga ganyan. Nag-join na po ako ng acting workshop. Hopefully, soon makapagjoin ako ng face-to-face acting workshop para tuloy-tuloy po 'yung pag-improve ng skills ko in acting."
Pakinggan ang bagong single ni Mariane Osabel, 'Pira-Piraso' under GMA Music.