
Hinangaan ng Kapuso viewers ang pagganap ni Maricel Laxa bilang Gemma sa latest episode ng Apoy sa Langit.
Sa episode nitong July 26 ay ipinakitang nahuli na sa wakas ni Gemma sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).
Ayon sa mga tumutok sa episode na ito, ramdam na ramdam nila ang emosyon ni Gemma na nakaranas ng panloloko. Kaya naman punong puno ng papuri ang mga manonood sa pagganap ni Maricel sa Apoy sa Langit.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Comment ng isang netizen, "Grabe 'yung goosebumps ko nung sumigaw si Gemma sa harapan ni Cesar at Stella.. hays finally bistado na rin sila.."
Saad naman ng isang Kapuso viewer, "Grabe, nadala ako sa acting ni gemma, parang feel ko ako yung nasa sitwasyon nya."
PHOTO SOURCE: YOUTUBE
Para sa mga nakapanood ng episode na ito, karapat dapat daw makatanggap si Maricel ng acting award dahil sa nakakadala niyang eksena.
"Maricel Laxa deserves the best actress award.."
Dagdag pa ng isang netizen, "Galing naman umarte ni Ms. Maricel Laxa <gemma> ..nakakakdala yung sigaw nia na may gigil at pag lupasay... tipikal n ngyyri kapag nasa ctwasyon ...galing galing ...katuwa ..Salamat GMA."
Samantala, balikan ang eksenang ito sa Apoy sa Langit:
Abangan kung ano ang susunod na mangyayari sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.