
Kuwento ng pananampalataya ang ibinahagi nina Maricel Laxa-Pangilinan at Anthony Pangilinan nang malaman nilang isa sa kanilang mga anak ay mayroong heart problem.
Ayon sa celebrity couple, 4 years old lamang si Benj nang malaman nilang may problema sa puso ang kanilang anak.
Kuwento ni Anthony sa vlog ni Karen Davila, una nilang inakalang may indigestion lamang or stomach problem ang anak na si Benj. Pagkatapos magpatingin sa doktor ay napag-alaman nilang mayroong problema si Benj sa puso.
Photo source: YouTube: Karen Davila
Saad ni Anthony, nalaman niya ang health condition ng anak sa phone call mula mismo kay Benj.
"Dad, I have a hole in my heart. Can you fix my heart?" tanong ni Benj sa telepono.
Sagot naman ni Anthony sa anak, "No, Benj, I can't fix your heart, but God who made you can."
Noong una, in denial pa sa kalagayan ng anak ang Apoy sa Langit actress na si Maricel. Paliwanag niya, "Tiningnan ko si Benj e, lively energetic and everything. There's nothing wrong with him. He's completely fine. E nandoon na kami, ooperahan na siya, hinahanda na lang siya. Tiningnan ko, no uwi na tayo. Hindi natin gagawin 'to. Kasi baka mamaya may mangyari; hindi ko mapapa-forgive ang sarili ko."
Dugtong pa ni Maricel, naramdaman niya ang mensahe sa kaniya ng panginoon.
"I really felt the presence of the Lord, pushed me down my chest and the voice in my ear, 'He is mine, who are you?'"
Pagpapatuloy ni Maricel, ipinaalam niya sa Diyos ang kaniyang hiling na sana ay maibalik si Benj pagkatapos ng surgery.
"'Lord, forgive me, kasi sino nga ba ako? Ikaw ang lumikha sa kaniya, taga-alaga lang ako. Sa'yo siya, pero puwede ba Lord, ibalik mo after the surgery? Ikaw na bahala.'"
Pagkatapos ng successful na heart surgery, naging triathletes ang kanilang mga anak maliban kay Benj. Sina Maricel at Anthony ay may apat pang anak bukod kay Benj, ito ay sina Donny, Ella, Hannah at Solana.
"Many years passed naging triathlete mga anak namin. Lahat ng mga anak namin pina-train namin except si Benj. Kasi takot ako, baka mamatay 'di ba?"
Pagkatapos ipatingin ulit sa doktor, sa edad na 6 o 7 taong gulang, binigyan ng go signal sina Maricel at Anthony na isabak na sa triathlon ang anak.
"Wala na, walang ka-trace trace 'yan. Ipa-triathlon mo na 'yan. Completely healed, as if walang nangyaring surgery," pagbabahagi ni Maricel.
Ayon pa kay Maricel, naging champion ang kaniyang anak matapos ng kaniyang successful heart surgery.
"Because of that revelation he became the champion of the triathlon, aquathlon, everything."
Samantala, tingnan ang buhay pamilya ni Maricel at Anthony dito: