
Sa Episode 41 ng Ang Dalawang Mrs. Real, muling nabuhay ang matinding sampalan scene nina Anthony (Dingdong Dantes) at Millet (Maricel Soriano). Pinaulanan ng sampal ni Millet si Anthony nang magharap sila pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagtataksil nito sa kanya para kay Shiela (Lovi Poe).
Umabot sa 22 sampal ang humagupit kay Dingdong mula kay Maricel, kaya naman tumatak ito sa kanilang dalawa.
Sa likod ng mga eksena, naging intense din ang mga pangyayari para kina Maricel at Dingdong na parehas nagbigay ng emosyon para sa natatanging eksena.
Kuwento ng ni Maricel sa isang 24 Oras interview, “Sumakit nga 'yung kamay ko. Hirap na hirap akong huminga. Para bang, 'Bakit, Mary, bawal bang huminga? I-try mo, puwede 'yan.”
Pag-amin naman ni Kapuso Primetime King, “Sa totoo lang never pa nangyari sa akin 'yun. Never pang nakadapo sa mukha ko ang ganoong klase ng mga sampal kundi sa kanya lang. I mean 'yung ganung karami ah.”
Bukod sa sampalan scenes, marami pang ibang dapat abangan sa Ang Dalawang Mrs. Real tulad ng matatalas na linyahan ng mga karakter.
Tutok lang tuwing hapon sa Ang Dalawang Mrs. Real, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 PM pagkatapos ng Innamorata.