
Proud na proud na dumalo si Mariel Rodriguez-Padilla sa ginanap na oath-taking ng asawa niyang si Robin Padilla bilang isa sa mga bagong senador ng bansa.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mariel ang ilang mga larawan mula sa nasabing oath-taking ceremony, kung saan makikita silang mag-anak kasama si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Malacañang Palace. Kalakip ng post na ito ay ang mensahe ng celebrity mom para kay Robin.
"Robin's Oath taking last night with President Rodrigo Roa Duterte [PRRD]. Maraming maraming salamat po Mr. President! We are so, so, so proud of you @robinhoodpadilla," caption ni Mariel.
Sa nasabing post, makahulugan din ang ilang isinulat ni Mariel.
"I know you will be an amazing and effective Senator. All eyes on you… but that's okay we like challenges," saad niya.
Bukod dito, naniniwala rin si Mariel na talagang nakatakda ang kanyang mister na maging isang magaling na senador.
"When you were taking your oath, I told myself Robin was born to be great. Meron talagang mga tao na destined to excel si Robin ganun," dagdag niya.
Nangako rin ang TV host na palaging susuportahan ang kanyang asawa.
"You got this babe! We are behind you, beside you and with you all the way. Godspeed! Allahu Akbar!," aniya.
Matatandaan na si Sen. Robin ang nanguna sa botohan sa mga kandidato sa pagka-senador nito lamang nagdaang eleksyon 2022.
Samantala, kilalanin naman ang iba pang celebrities na nanalo ngayong eleksyon 2022 sa gallery na ito.