
Inamin ni Mark Bautista na ibinubuhos niya ang kaniyang oras ngayong 2021 sa pagtupad sa kaniyang pangarap.
Ayon sa Kapuso performer, matagal niya nang gustong matuto na mag-piano.
Kuwento ni Mark sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, "For this year, nag-focus ako sa music. Bumili ako ng keyboards and hoping na matuto ako na mag-piano dahil dream na dream ko 'yun."
Dugtong pa niya, "Sana lumambot 'yung mga daliri ko. Alam mo 'yung dream ko na makapag-play ng buong song in the future. Sana magawa ko, it's a good start."
Photo source: @iammarkbautista
This year, inamin ni Mark na hindi niya na napaglalaanan ng oras ang pagpipinta.
Saad ni Mark, "Itong quarantine na ito, hindi ako nakapag-concentrate sa painting. Although mayroon ako na mga materials sa painting na talagang naka-stock lang, naka-standby lang."
Ayon sa talented singer, naghihintay siya ng moment or inspiration para makapagpinta ulit.
Matatandaang nagpinta si Mark nitong 2020 para i-auction at makatulong sa COVID-19 relief efforts.
"Siguro inaantay ko lang 'yung motivation ko or 'yung inspiration to paint again unlike last year na talagang ganado ako and inspired ako."
"Gumawa pa ako ng auction and ibinenta ko lahat ng paintings ko for a good cause."
Paliwanag ni Mark, ang ginagawa niya ngayong taon ay mag-focus naman sa kaniyang music.
"Feeling ko na parang tapos na 'yung phase na 'yun sa akin. Binuhos ko lahat ng oras at energy ko doon kaya siguro this year na quarantine sinabi ko na mag-focus ako sa music, mag-create ako ng other stuff apart from painting, mag-create ng songs para naman may bagong marinig 'yung audience from me."
Sarap, 'Di Ba?: Mark Bautista, matinik daw sa mga crush! | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Mark Bautista shares his vegan broccoli pasta recipe | Bahay Edition