GMA Logo Mark Bautista
What's Hot

Mark Bautista, magdidirek ng concert sa unang pagkakataon

By Jansen Ramos
Published February 10, 2024 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Ang balladeer na si Mark Bautista ang stage director ng pre-valentine concert na 'Mr. Streisand' na gaganapin ngayong Sabado, February 10, 8 p.m., sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City.

May bagong role na gagampanan ang balladeer na si Mark Bautista matapos ang dalawang dekada niya sa entertainment industry.

Sa unang pagkakataon, magdidirek ang binansagang "Pop Heartthrob" ng concert na pinamagatang Mr. Streisand na gaganapin ngayong Sabado, February 10, 8 p.m., sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City. Magsisilbi namang music director nito si Rony Fortich.

A post shared by Stages Sessions (@stagessessions)

Ayon sa panayam ni Pia Arcangel kay Mark sa Surprise Guest with PIa Arcangel, isang outlet ito para mailabas ang kanyang creativity in terms of stage direction.

Bahagi ng mang-aawit, "Super excited ako dahil nga well kinakabahan din kasi first time ko mag direct, but I'm excited kasi minsan hinahanap ko 'yung, naghahanap lang ako ng outlet para magamit yung mga creative juices ko, and I think this is one of the venues para doon."

Tampok sa Mr. Streisand ang mga kanta ng legendary American singer na si Barbra Streisand na aawitin ng leading men ng Philippine musical theatre na sina Michael de Mesa, Arman Ferrer, Audie Gemora, Franco Laurel, Jett Pangan, at Michael Williams. May special participation naman sa concert ang drag performer na si Viñas Deluxe.

A post shared by Stages Sessions (@stagessessions)

Dagdag ni Mark, "Mga artist na I look up to, sila talaga yung mga hinahangaan ko and that's why I am also excited na and at the same time kinakabahan but ya, ayun ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Sabi ko, even small details talagang ako yung pinapakialaman ko even yung set design, yung lights, yung costumes nila, yung outfit, and ngayon nga mayroon pang mga last minute na mga pahabol na mga hindi naman problema but mga challenges and all that, but excited naman ako."

Ang Mr. Streisand ay mula sa produksyon ng Stages Sessions.

Personal na nilapitan ng Stages si Mark na i-direk ang concert dahil nakitaan siya ng potensyal noon pa lang Sunday All-Stars days ng 40-year-old singer.

Kwento niya, "Last year pa ito e, sabi niya, 'Mark, can you direct a concert kasi nakita kita sa GMA before...' Nung time na 'yun hesitant ako. Parang may takot din ako that time and hindi ko alam kung i-go-go ko ba o hindi. Basta hindi pa ako ready."

Noong December ng nakaraang taon, muling nilapitan si Mark at nilatagan ng bagong concept. "Ito yung concept mga Streisand songs, mga theater actors ang kakanta. So, sabi ko, 'okay, let me think about it and I'll talk to my manager, ang Viva.' Pero gusto ko na gawin, in-inform ko lang ang Viva na, 'boss, gusto ko gawin to, ganiyan-ganiyan and after ilang days nag 'oo' na ako and yun na yun."

Tingnan ang iba pang celebrities na umupo na rin sa director's chair sa gallery na ito: