
Hindi lang sariling kaligayahan ang hiling ni Mark Bautista para sa kanyang kaarawan.
Ipinagdiwang ng singer at performer ang kanyang birthday sa All-Out Sundays (AOS), kung saan ibinahagi niya ang kanyang birthday wishes para sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at maging sa buong bansa.
Bukod sa hiling na magkaroon ng mabuting kalusugan at kaligayahan ang kanyang pamilya, nais din ni Mark na makita ang isang mas mapayapang Pilipinas.
“Ang wish ko is for us to have a peaceful country, and then happiness for everyone, for my family and good health. And for AOS, para mas tumagal pa ang AOS,” ani Mark.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Mark ang pagkakataon na magpasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang career, kabilang ang kanyang mga katrabaho sa Viva, GMA, at All-Out Sundays.
“Magpapasalamat din ako to my Viva family, my GMA family, my AOS family—Ms. Ruth, Ms. Gigi, Ms. Dee, thank you so much,” saad niya.
Ipinahayag din ng singer ang kanyang pasasalamat sa mga nakakasama niya sa programa na aniya ay patuloy na nagbibigay-suporta sa isa't isa.
“Sa inyong lahat, sa mga kasama ko rito, na talaga namang todo ang suporta sa bawat isa, thank you so much. I'm so honored to be here, performing here on the AOS stage,” dagdag ni Mark..
Mapapanood si Mark sa All-Out Sundays tuwing linggo, 12 NN sa GMA Network at Kapuso Stream every Sunday sa GMA Facebook at YouTube. Mapapaood din ang exclusive content ng All-Out Sundays sa gmanetwork.com/alloutsundays.
RELATED GALLERY: