
Hindi pa rin makapaniwala ang Sparkle star at content creator na si Mark Oliveros, o mas kilala bilang si “Yes Na Yes For You” sa kaniyang successful fan moment sa kamakailan lang na GMA Gala 2024.
Sa kaniyang TikTok channel, ibinuhos ni Mark ang lahat ng kilig at tuwa niya habang kinukwento ang experiences sa gala night.
Isa sa hindi raw makalimutan ng Sparkle star ang kaniyang interaction sa Pulang Araw aktres na si Barbie Forteza.
Bilang fan ng Kapuso Primetime Princess, hindi pinalampas ni Mark ang pagkakataon para batiin ang aktres.
Sa simpleng "hello" lang ni Mark, biglang natuwa si Barbie na makita siya. Sinabihan din ni Barbie ang bagong Sparkle star kung gaano ka-proud siya sa kaniya.
"Pag-hello ko sa kaniya, ate ang sinabi niya sa akin, 'Oooh!' Ganu'n parang nakilala niya ako. Bigla siyang tumalak. Sabi niya, 'Alam mo. I'm so so proud of you. 'Yung papunta pa lang ako dito sa event, nanonood ako ng livestream ng red carpet. Nakita kita you are so beautiful. You are so stunning. I'm so happy for you.'," masayang ikinuwento ni Mark.
Muntik na raw maluha ang Adventure.Taste.Moments (ATM) host habang naririnig niya ito sa kaniyang hinahangaang aktres. Labis din ang hanga ni Mark kay Barbie dahil sa kabaitan na ipinamalas nito.
"During that moment ate, totoo iyon. Parang may islow-mo(tion) nangyayari. Parang nagiging lava walk 'yung moment. Sobrang islow-mo(tion) na nakatingin ka lang sa face ni Barbie Forteza na para bang anghel na sinasabihan ka ng magagandang bagay na na-appreciate ka niya. To be appreciated 'di ba?" sabi ni Mark.
Pinasalamatan niya rin ang Pulang Araw star dahil binigyan siya ng confidence at binuo raw nito ang kaniyang araw.
@marksaruray angel sent sa pangalang barbie #yesnayesforyou ♬ original sound - Mark Oliveros
Maraming netizens ang natuwa rin sa pagkomento ni Barbie sa mismong TikTok video ni Mark. Sinabi niya rito na mas naging engrande ang GMA Gala dahil sa content creator. Komento niya rin, "You're a star, dear. Claim it. Kaya wag kang magbabago ah."
Ngunit dahil hindi pamilyar ang aktres sa Beki language, natawa ang online netizens sa cute mistake raw ni Barbie.
Game na game sumakay naman sa biruan ang aktres, "Ahh hindi ba bongga ibig sabihin no'n? Hahahaha sorry akala ko bongga. Namura pa."
Nag-reply rin si Mark sa comment section, "labyu ate barbs."
Noong May, kabilang si Mark sa mga bagong celebrities na sumali sa Sparkle family sa Signed for Stardom 2024.
Mapapanood din siya bilang host sa lifestyle channel na Adventure.Taste.Moments (ATM) bilang backstage pass ng viewers sa mga ganap ng Kapuso artists.
Samantala, balikan ang stunning looks ng kilalang celebrities sa GMA Gala 2024, dito: