
Hindi pa rin makapaniwala sa kanyang bagong achievement ang content creator na si Mark Oliveros, o mas kilala bilang si “Yes Na Yes For You.”
Kamakailan lang, naging kabilang siya sa mga bagong celebrities na sumali sa Sparkle family sa Signed for Stardom 2024.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ikinuwento ni Mark ang kanyang pagiging isang successful fan, mula sa pagiging tagahanga ng GMA hanggang sa naging isa sa mga Sparkle star nito.
"Isang ganap na Sparkle, parang isa siya sa mga bagay ini-imagine ko bago ako matulog na alam ko imposible mangyari sa akin. Parang naging content creator ako, bata hanggang sa naging content creator ako nasa likod ko na 'yung pagmamahal ko sa GMA kasi laking GMA po talaga ako. Nangarap po ako, pero I didn't realize na 'yung even our wildest dream, may possible po siyang matupad," pahayag niya.
Kuwento rin ni Mark, sobrang grateful siya sa bagong opportunity na ibinigay ng GMA. Mixed emotions ang kanyang naramdaman noong nakasama siya sa Signed for Stardom.
"Ngayon, I'm beyond grateful, whirlwind of emotions, hindi ko pa talaga alam kung ano 'yung nararamdaman ko ngayon. Halo-halo, kinakabahan, masaya, ayun sobrang lutang ako as of the moment. But I'm really, really grateful na who would have thought na (dati) ako umiiyak, nagwawala ako para makakuha ng video greeting ng isang artista. Ngayon mararanasan ko na kung ano'ng klaseng buhay meron 'yung mga taong hinahangaan ko noon," sinabi niya.
Marami raw dapat abangan sa kanya ngayon, lalo na't kabilang na siya sa Sparkle family.
Napapanood si Mark bilang host sa lifestyle channel na Adventure.Taste.Moments (ATM) bilang backstage pass ng mga viewers sa mga ganap ng Kapuso artists.
Sumali na rin ang Kapuso influencer sa mga acting at communication workshops bilang paghahanda sa kanyang pagpasok sa acting industry.
Related gallery: Signed for Stardom 2024 brings together the newest and brightest stars
in one event