What's Hot

Marky Cielo shares "Zaido" lead role with Dennis Trillo and Aljur Abrenica

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shuvee Etrata candid on criticism, owning past mistakes: 'I'm making better decisions'
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News



"That part pa rin po ako ng show, masaya na ako," sagot ni Marky, who plays the Green Zaido na si Alexis.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Nang unang napabalitang nabili ng GMA-7 ang rights ng Shaider sa Japanese owner na Toei Company Ltd., naidikit na agad ang project sa StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo with StarStruck 4 winner Kris Bernal playing Annie. starsNakabuo na rin ng casting ang soap with Jay Manalo playing the lead villain at sina LJ Reyes, Iwa Moto, Vaness del Moral, and Arci Muñoz as the Amazonistas. Pero nabago ang titulo ng naturang proyekto dahil hindi napagamit ang original title na Shaider. Naging Pulis Pangkalawakan ang titulo nito bago nag-finalize ito sa Zaido: Pulis Pangkalawakan. Lumaki na rin ang cast sa pagpasok nina Raymart Santiago at Lorna Tolentino, and finally, it was announced that Dennis Trillo will play the lead role at sina Marky at Aljur Abrenica as his co-stars. Sa presscon ng Zaido na ginanap sa Studio 3 ng GMA Network kagabi, September 17, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marky kung ano ang pakiramdam niya na from solo lead ay naging one of the lead stars na lang siya sa pagpasok ni Dennis. "That part pa rin po ako ng show, masaya na ako," sagot ni Marky, who plays the Green Zaido na si Alexis. "Noong una ko pong naririnig ang project at ako nga raw ang magbibida, hindi ko naman ito talaga pinansin. Natuwa po ako na na-consider ako, pero hindi ko talaga ito inisip. Hindi ko po nilagay sa isip ko na sa akin ito. Kaya nang makapasok pa rin ako sa show, masaya na ako." Bagama't pawang walang sexy image ang tatlong lead stars ng Zaido, makatawag-pansin ang mga body-fit spandex costumes nila. Kahit sa general question and answer portion, naitanong kung nag-padding ba sila sa costume nila. Lahat sila ay sumagot ng hindi. "What you see is what you get" daw. Dito namin naitanong kay Marky kung hindi ba siya naku-conscious na baka ang body-fit costumes nila ang pansinin sa kanila. "Ngayon po, naku-conscious na ako!" natatawa niyang sabi. "Pero sabi nga ni Kuya Dennis, ito ang costume namin so wala kaming magagawa." --PEP (Philippine Entertainment Portal)