
Isa na namang masaya at exciting week ang naghihintay sa mga mars at pars kasama sina Mars Camille Prats at Iya Villania sa huling linggo ng Pebrero. Anu-ano nga ba ang dapat abangan ngayong linggo sa Mars Pa More? Tingnan sa ibaba ang episode line-up ng Mars Pa More simula February 22 hanggang 26.
Ilan sa mga celebrity guest ng Mars Pa More sa huling linggo ng Pebrero / Source: @djloonyo @theresemalvar @m_sunshinedizon @rurumadrid8 (IG)
Sa Mashadow, isang aktres ang namomroblema tungkol sa unwanted attention mula sa kanyang suitor na kanya ring co-actor.
Sa Mars Sharing Group naman, pag-uusapan nina Kapuso actress Therese Malvar at host Maey Bautista ang red flags kapag nakikipag-chat online.
At alamin kung akma ang iyong fitness level sa iyong biological age sa Balance Age Test.
Makipagchikahan kasama sina soulful singer Bugoy Drilon at Gen Doll Mariko Ledesma. Matuto kung paano magluto ng special Mediterranean salmon dish mula kay Bugoy, at sumama sa backstage adventure ni Mariko sa Game of the Gens.
Sa Mars Sharing Group, alamin din kung paano dapat i-manage ang worries o anxieties mula sa motivational speaker na si Michael Angelo.
Sumabay sa paghataw nina DJ Loonyo at dating Universal Motion Dancers (UMD) member na si Jim Salas. Alamin ang steps sa bagong single and dance craze ni DJ Loonyo na "Sakin Ka Na Lang" at makipag-throwback sayawan sa '90s dance craze ng UMD na "Always."
Plus, alamin din kung paano lutuin ang espesyal na creamy adobo recipe ni DJ Loonyo.
Isang nakakakilig na morning ang sasainyo, hatid ng Kapuso heartthrobs na sina Joel Palencia at Ruru Madrid.
Ipapakita ni That's My Bae Joel ang kanyang bachelor's pad at ikukuwento kung paano niya ito dinesign.
Si Ruru naman ibubunyag ang tunay na kuwento sa likod ng kanyang mga nakakaintrigang social media posts sa 'Sa Mars Pa More Ka Magpaliwanag.'
Biyernes - February 26
Makikibonding sa mga mars at pars ang Kapuso stars na sina Sunshine Dizon at Joyce Ching.
Ituturo ng Magkaagaw actress na si Sunshine ang kanyang quick and easy Sweet Lumpia Wrappers recipe.
At masayang fill in the blanks game na naman ang magaganap sa Mars Sharing Group, dahil sasagutin nina mars Iya and Camille at nina Sunshine at Joyce ang tanong na “So You Did It Because?”
Plus, alamin kung ano ang tinatawag nilang Mercury Retrograde sa astrology at kung anu-ano ang puwedeng maging epekto nito sa iyong buhay.
Talagang siksik sa saya at kaalaman ang huling linggo ng Pebrero sa Mars Pa More, kaya samahan sina mars Iya at Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.