GMA Logo Martin del Rosario and Migs Almendras
Courtesy: martinmigueldelrosario and migs_almendras on Instagram
What's Hot

Martin del Rosario and Migs Almedras win acting awards in Cine Silip

By Nherz Almo
Published October 28, 2025 1:55 PM PHT
Updated October 29, 2025 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Mar. 5, 2026) | GMA Integrated News
Transient vendors seek space at Iloilo market

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario and Migs Almendras


Martin del Rosario: "Sana after this festival, sana mawala na yung stigma sa mga erotic movies."

Naiuwi ng Kapuso actors na sina Martin del Rosario at Migs Almendras ang Best Actor at Best Supporting Actor awards sa katatapos lamang na Cine Silip Film Festival awards, na ginanap kagabi, October 27, sa Viva Café, Quezon City.

Nanalo si Martin sa mahusay niyang pagganap bilang bidang si Emman sa pelikulang Haplos sa Hangin.

Sa kanyang acceptance speech, inihayag ng award-winning actor kung gaano kahalaga ang parangal na iginawad sa kanya.

Aniya, “Malaking bagay ito kasi first ever Best Actor [award] ng Cine Silip, so malaking bagay ito para sa akin.

“Gusto kong magpasalamat sa Cine Silip dahil binigyan n'yo ng opportunity ang filmmakers, actors na maging parte ng mas daring at mas matapang na mga pelikula.”

Patuloy nito, isang makabuluhang mensahe ang ipinarating ni Martin para sa mga bumubuo ng industriya.

“Sana after this festival, sana mawala na yung stigma sa mga erotic movies na pino-forward-forward mo lang sa sex scenes dahil walang kuwento. Hindi naman talaga ganun.

“Kaya naman nating gumawa ng sex scenes na may kuwento rin. Sana maging bukas ang isip nating lahat, ng mga institusyon sa sex kasi parte naman 'yan ng totoong buhay. Sana mas maging progresibo ang pag-iisip natin sa sex, sekswalidad, and even gender identity.”

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com at ilang entertainment media, nabanggit ni Martin na tinanggap niya ang pelikulang ito ni Mikko Baldoza dahil ito ang una niyang sexy film.

Paliwanag niya, “Ako, gusto ko naman ng challenge, gusto ko ng bago. Kasi, never pa akong nag-erotic sa film, never pa akong nag-sexy sa film. Nag-sexy na ako sa play, yung Anino sa Likod ng Buwan, so inisip ko, 'Try ko kaya sa film naman.'

“Ako, ayaw ko lang bigyan ng limit ang sarili ko. Buti sana kung bold film. Pero kasi nabasa ko yung script, e. Sexy siya na maganda yung istorya. 'Tapos, na-prove ko pa na maganda yung team na humahawak behind it. Nagtiwala ako and I'm proud na naging parte ako nito.”

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Katulad ni Martin, punung-puno rin ng pasasalamat si Migs Almendras sa pagkilalang natanggap para sa kanyang role sa Cine Silip entry na Dreamboi.

“Honestly, I haven't been acting regularly as I would love to. But I've shifted to hosting as most of the people there know me. So, this is quite surprising. Thank you to all of the persons I've worked with in my career, in my life.

“Kasi, naniniwala ako that bawat direktor na nakatrabaho natin sa buhay na ito ay nag-iiwan ng impression and a certain sense of their creativity. Of course, for this particular project, it was Direk Rodina Singh. Kung ano ang nakikita n'yo sa akin [dito], the costume and everything, she really helped me into the role,” sabi ni Migs sa kanyang acceptance speech.”

A post shared by Migs Almendras (@migs_almendras)

Narito ang kabuuan ng listahan ng mga nanalo sa Cine Silip awards:

Best Film: Dreamboi
Second Best Film: Pagdaong
Third Best Film: Haplos sa Hangin
Best Director: Rodina Singh para sa Dreamboi
Best Actor: Martin del Rosario para sa Haplos sa Hangin
Best Actress: Angela Morena para sa Pagdaong
Best Supporting Actor: Migs Almendras para sa Dreamboi
Best Supporting Actress: Chloe Jenna para sa Maria Azama Best Porn Star
Best Screenplay: Haplos sa Hangin nina Sonny Calvento at Mikko Baldoza
Best Editing: Arnex Nicolas para sa Dreamboi
Best Cinematography: Malay Javier para sa Dreamboi
Best Musical Score: Paulo Almaden para Haplos sa Hangin
Best Sound: Immanuel Verona at John Buquid Dreamboi

Related gallery: Sexy stars of the 90s, where are they now?