
Namaalam na ang karakter ni Martin Del Rosario na si Edward Torrecampo sa GMA intense drama series na House of Lies.
Sa nagdaang episode, nasaksihan ang pagtatalo nina Thea (Kris Bernal) at Edward (Martin Del Rosario), kung saan nauwi ito sa pananakit na naging dahilan ng pagkamatay ng huli.
Related gallery: On the set of 'House of Lies'
Kaugnay ng mabigat na eksena, mababasa sa latest social media post ni Martin ang kanyang farewell at thank you message para sa lahat ng nagpaabot ng suporta para sa karakter niya na si Edward at sa serye.
Sulat niya sa caption, “Sa pamamaalam ni Edward, nais kong ipahatid ang sobrang pasasalamat ko sa lahat ng sumubaybay at patuloy na sumusubaybay sa aming teleserye na House of Lies. Salamat sa binigay n'yong pagmamahal sa bawat character na aming ginampanan…”
Kasunod nito, inimbitahan niya ang viewers na abangan ang natitirang huling dalawang episodes ng intense drama.
“Tuloy lang po sana ang pagkapit hanggang sa duo. Last two days na lang po at tuloy pa rin ang mga pasabog,” sabi niya.
Dagdag pa ni Martin, “Bye for now and maraming salamat sa inyong pagmamahal sa House of Lies. Edward Torrecampo, now signing off.”
Balikan ang mga huling eksena ni Edward sa video sa ibaba.
Si Martin ang isa sa mga talaga namang hinangaan ng viewers sa serye.
Marami ang bumilib sa kanyang mahusay na pag-arte bilang si Edward, ang asawa ni Thea (Kris Bernal) at ang itinuring na ama ni Ashley (Angel Cadao).
Samantala, patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.
Huwag palampasin ang huling mga tagpo sa serye na mapapanood ngayong Huwebes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GMA Play.