Article Inside Page
Showbiz News
Nakatanggap si Martin del Rosario ng macho dancing lessons para sa pagganap niya sa 'Magkailanman.'
Si Kapuso actor Martin del Rosario ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Macho Papa Dancer," gaganap siya dito bilang John, isang ama na magiging macho dancer para itaguyod ang kanyang pamilya.
Masaya daw si Martin na makatanggap ng mabilis pero useful na lessons at tips tungkol sa macho dancing para gampanan ang kanyang role.
"Sa bar kasi 'yung location namin. May mga dancers talaga so tinuruan nila 'ko, 'yung basic," kuwento ng aktor.
Kasama niya sa episode si Kapuso actress Angela Alarcon na gaganap bilang asawa ni John na si Tere.
"Kasi nga ang trabaho niya is medyo not so good pag family man, dito ko mate-test kung gaano ko ba siya kamahal, kung tatanggapin ko ba siya kung ano man ang role niya sa buhay ko at saka sa family ko," paglalarawan ni Angela sa kanyang karakter.
Sigurado si Martin na magiging inspiring ang kanilang
Magpakailanman episode.
"Ang daming dagok, mga problema, challenges na dumating sa buhay ni John pero ang maganda naman sa kanya, hindi siya sumuko. Lahat ng opportunity, gina-grab niya," aniya.
Ayon naman kay Angela, maraming mapupulot na aral mula dito.
"Forgiveness talaga is the most important sa pagmamahal at sa pamilya dahil nga may mga judgemental na tao," lahad niya.
Bukod kina Martin at Angela, bahagi din ng episode sina Dave Bornea, Betong Sumaya, Alma Concepcion, Beverly Salviejo, at Marx Topacio.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Macho Papa Dancer," September 6, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang buong panayam ni Aubrey Carampel kina Martin del Rosario at Angela Alarcon para sa 24 Oras sa video sa itaas.