GMA Logo Martin del Rosario
What's on TV

Martin del Rosario, proud sa journey ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 9, 2025 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Para kay Martin del Rosario, mahabang journey na puno ng ups and downs ang 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Proud si Kapuso actor Martin del Rosario sa kuwento at mga karakter ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Mula kasi sa tahimik na bayan ng Tumahan sa probinsiya, mas lumawak ang mundo ng serye at ng mga karakter nito nang makarating sila sa siyudad.

Malayo na ang narating ng kuwento mula sa pagsimula ng serye hanggang sa kasalukuyan at masaya ni Martin na nasabayan nila ang lahat ng mga pagbabago rito.

"It was a long journey. May ups, may downs. Ang dami nang pinuntahan nung kuwento. Ang dami nang pinuntahan noong journey ng bawat character pero ang tagumpay dito 'yung lahat kami, binigay 'yung puso namin sa show na 'to," pahayag ni Martin sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Ganito rin ang pananaw ni Shaira Diaz na isa sa lead stars ng serye.

"Isa sa mga success din siguro 'yung growth namin individually, hindi lang as an actor. Dito kasi parang gumana 'yung mga creative sides namin dahil nga sa pagtutulungan namin na mas mapaganda pa 'yung Lolong, mas mabigyan namin ng magandang storya 'yung audience namin," bahagi ng aktres.

Malaki naman ang pasasalamat ng bidang si primetime action hero Ruru Madrid sa lahat ng efforts ng cast.

"For me, ang totoong success nito ay doon sa mga moments na lumalaban kami kahit na mahirap yung mga pinagdadaanan namin, sa mga moments na natuto kami kung ano ba 'yung mga dapat naming gawin, sa mga moments na nanaig ang pagmamahal namin sa mga ginagawa namin at pagtutulungan ng bawat isa," pagpapatuloy niya.

Samantala, mas nagiging exciting pa ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila.

Nasa kamay na nina Dona (Jean Garcia) at Ivan (Martin del Rosario) si Elsie (Shaira Diaz) na nakatakda nang manganak.

Matapos magpalakas muli, handa na si Lolong (Ruru Madrid) na muling makaharap ang mga mortal niyang kaaway para mabawi ang kanyang pamilya.

Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG HULING TAPING DAYS NG LOLONG: PANGIL NG MAYNILA