GMA Logo martin del rosario
Photo: martinmigueldelrosario (Instagram) / Nherz Almo
What's Hot

Martin del Rosario shaves moustache for new lead role in a movie

By Nherz Almo
Published April 10, 2025 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

martin del rosario


Martin del Rosario on his new lead role: “Ang fresh nito sa akin.”

Kapansin-pansin ang biglaang pagkawala ng bigote ni Martin del Rosario nang humarap siya sa media para sa press conference ng upcoming movie niyang Beyond the Call of Duty noong Martes, April 8.

Dumating kasi siya sa Camp Crame nang may bigote, na isa sa mga feature ng character niya sa action-drama series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Ayon kay Martin, kinailangan niyang ahitin ito para sa role naman na gagampanan niya sa pelikula, na isang miyembro ng Philippine National Police [PNP]. Sa katunayan, suot na rin niya ang uniform ng PNP SWAT (Special Weapons and Tactics].

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com, nagpasalamat siya sa programang Lolong dahil pinayagan siyang mag-ahit para magawa ang pelikula.

Aniya, “Buti na lang, thank you sa [program manager] namin, sabi nila gagawan ng paraan kung bakit mawawala yung bigote. Kasi, kilala rin ang role ko dun because of my moustache. Iba yung look ko talaga dun. I guess gagawan nila ng paraan even sa physical and scheduling. Buti na lang naayos ang schedule, makakagawa ako movie and teleserye.”

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Kaugnay nito, natutuwa rin si Martin sa bago niyang role dahil sa pagkakataong ito ay hindi siya kontrabida. Matatandaan na bukod sa Lolong, kontrabida rin si Martin sa sa mga huling ginawa niyang teleserye tulad ng Voltes V: Legacy at Asawa ng Asawa Ko.

“Ang fresh nito sa akin na I'm playing a very honorable role, isang pulis, bayani ng ating bayan,” sabi ng aktor.

“Nakaktuwa naman kasi puro kontrabida. Ngayon, nakakuha ako ng bida role 'tapos pulis pa. So, extremes, 'no? Kasi, kapag gumagawa ako ng kontrabida, sobrang sama. Ngayon naman, sobrang honorable. I guess, masaya ako and magandang opportunity ito to show my versatility as an actor.”

Dagdag pa ni Martin, hindi naman siya mapili sa pagtanggap ng role, bida man o kontrabida.

“Sa ngayon, wala naman akong ginagawang kontrabida roles na magkaparehas. Ako, I welcome any challenge. Any role na nagbibigay ng challenge as an actor, yung pakiramdam ko na magbibigay sa akin ng growth as an actor, gina-grab ko 'yan. I don't mind kung support or bida. Ngayon, suwerte lang and masaya na bida ako this time.”

Diin pa niya, “Ever since nag-start ako, hindi ako picky sa roles as long as it contributes to my growth.”

Hindi ba nahihirapan si Martin sa pagpapalit-palit ng role? Bukod kasi sa Lolong, naging bida rin si Martin sa stage play na Anino sa Likod ng Buwan kamakailan.

“Nae-excite ako kapag ganyan, mas gusto ko kapag mas wide yung mga roles na nagagawa ko. Kasi, mahilig ako sa challenging roles. Ang goal ko kasi is maging isang reliable actor hanggang sa tumagal-tagal pa. Gusto hanggang sa pagtanda ko, aktor pa rin ako.

“Mahal ko ang ginagawa ko, passionate ako sa ginagawa ko. Hindi mo mararamdaman yung pressure and hirap kapag mahal mo ang ginagawa mo,” pahayag ng aktor.

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Uniformed man

Samantala, nakaramdam daw si Martin ng sense of pride nang suotin na niya ang uniform ng PNP SWAT.

“Bilang artista, kung ano ang sinusuot mo, yung costume mo, nakakatulong siya sa pag-characterized mo sa role mo. For my role, totoong uniform nila 'to, itong sacred uniform, agad-agad, e, noong sinuot ko kanina parang may sense of honor. Kung tatanungin ako kung ano yung feeling o pakiramdam, parang may honor,”paglalarawan ni Martin.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na gaganap si Martin bilang isang pulis o sundalo. Pero ito raw character niya sa Beyond the Call of Duty ang mas nakaka-pressure.

“Actually, marami na akong nagawang [role na] naka-uniform ako. Pero siguro, ito na yung pinakanakaka-pressure. We're supervised by the PNP talaga. PNP din ang nagbigay ng go signal sa film na 'to.

“Yung pressure is kung paano talaga maging authentic. Ako kasi, gumawa na ako ng naka-uniform ako, kahit sa theater, pero kasi iba yung objective yung gustong iparating ng mga nagawa ko. Ito kasi gustong ipakita yung tunay na buhay ng isang pulis. So, paano namin maipapakita ng totoong-totoo yun?”

Makakasama ni Martin sa Beyond the Call of Duty sina Martin Escudero, Marco Gumabao, Teejay Marquez, Mark Neumann, Devon Seron, Maxine Trinidad, at iba pa.

Ang pelikulang ito, na ididirek ni Jose R. Olinares, Jr., ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa May 28.

Samantala, tingnan ang ilang celebrity reservists dito: