GMA Logo Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario (IG)
What's Hot

Martin del Rosario, umaasang maaaliw at matututo ang mga manonood sa 'Flower Girl'

By Marah Ruiz
Published June 18, 2025 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Ang bagong pelikula ni Martin del Rosario na 'Flower Girl' ay tungkol sa gender politics.

Proud si Kapuso actor Martin del Rosario na maging bahagi ng upcoming comedy film na Flower Girl.

Pagbidahan ito nina Martin, Sue Ramirez, Jameson Blake, kasama sina Maxie Andreison, Kaladkaren, Donna Cariaga, at Mae Paner.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Martin ang kakaibang kuwento ng pelikula.

"Tungkol 'to sa isang babaeng nawawala ang kaniyang 'poochy.' Basta nagising na lang siya na sinumpa pa at nawala ang kaniyang pagkababae," paliwanag ni Martin.

Hindi lang daw ito basta comedy kundi isang makabuluhang pelikula na tatalakay at hihimay sa usapin ng gender politics.

"Dito, tatanungin kung ano ba talaga ang kahulugan ng womanhood. Ang private part ba ang magdidikta ng pagkababe mo?" lahad ng aktor.

Kaya naman umaasa si Martin na maaaliw ang mga manonood dahil sa dekalibreng comedy at mahusay na performances ng mga artista habang nabubuksan ang mga isip nito sa gender identity at expression.

"It's finding the real meaning of pagkababae and other themes na madi-discover natinm and other lessons na matututunan niyo pa along the way," bahagi niya.

Source: theideafirstcompany (IG)

Ang Flower Girl ay mula sa The IdeaFirst Company, OctoberTrain Films, at Creazion Studios.

Si Fatrick Tabada ang nagsilbing writer at director ng pelikula.

Mapapanood ang Flower Girl sa mga sinehan nationwide simula June 18.

Nakatakda pang bumida si Martin sa isa pang upcoming film, ang action-drama na Beyond the Call of Duty na tungkol naman sa buhay ng iba't ibang uniformed personnel tulad ng mga pulis, sundalo at iba pa.

Sa September naman nakatakdang mapanood sa mga sinehan ang Beyond the Call of Duty kung saan makakasama ni Martin sina Paolo Gumabao, Devon Seron, at Maxine Trinidad

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG JAW-DROPPING PHOTOS NI MARTIN DEL ROSARIO SA IBABA.