GMA Logo Martin del Rosario
What's Hot

Martin del Rosario, balik-entablado sa 'Anino sa Likod ng Buwan'

By Marah Ruiz
Published June 5, 2025 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Balik-entablado si Martin del Rosario sa rerun ng 'Anino sa Likod ng Buwan.'

Magbabalik sa entablado si Kapuso actor Martin del Rosario sa rerun ng stage play na Anino sa Likod ng Buwan.

Inanunsiyo ng Idea First Company na nakatakdang magbalik ang "the most provocative play of 2025" ngayong parating na October.

Ni-repost naman ni Martin ang announcement sa kaniyang Instagram account.

A post shared by The IdeaFirst Company (@theideafirstcompany)

Ang Anino sa Likod ng Buwan ay isang dula na isinulat ng award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.

Kuwento ito ng mga taong napilitang manirahan sa gubat sa Marag Valley noong dekada '90 para takasan ang labanan sa pagitan ng militar at mga komunista.

Noong 2015, ginawa niya itong pelikula na may parehong pamagat at pinagbidahan nina LJ Reyes, Anthony Falcon, at Adrian Alandy.

Itinanghal muli ang stage play nitong nakaraang Marso at ito ang nagsilbing theater debut ni Martin.

Sa pagbabalik nito sa October, muling makakasama ni Martin ang co-stars na sina Elora Españo at Ross Pesigan.

Very busy si Martin dahil bukod sa Anino sa Likod ng Buwan, may dalawa pa siyang upcoming films ngayong 2025.

Tampok siya sa action-drama film na Beyond the Call of Duty, pati na sa comedy film na Flower Girl na parehong mapapanood ngayong June.

Samantala, bahagi din si Martin ng primetime action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Matapos mabaril ang mahulog mula sa balkonahe, makakaligtas ang karakter niyang si Ivan.

Matapos magpalakas, itutuloy na niya ang paghihiganti niya kay Lolong na karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.

BALIKAN KUNG PAANO PINAGHANDAAN NI MARTIN AT IBA PANG CAST NG LOLONG: PANGIL NG MAYNILA ANG ACTIONS SCENES NG SERYE