
“I think we're in a good place.”
Iyan ang naging pahayag ng Philippines' Concert King na si Martin Nievera tungkol sa estado ng Filipino music pagdating sa global music scene. Para sa singer-host, napakaganda ng musikang Pilipino kaya naman alam niyang nakakasabay ito.
“Even songs that you would think would not make it before, they're so welcome right now in the music industry. And the sound that we're making today, it's hard to define yung ano ang ibig sabihin ng OPM,” sabi ni Martin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 24.
Pagpapatuloy pa niya, ang tunog umano ng Filipino music ay ang mga naririnig mula sa young artists ngayon tulad nina TJ Monterde, KZ Tandingan, at ang folk band na Ben&Ben.
“The songs that they're making, just to name a few, Ben&Ben, these are the songs that are gonna be the soundtrack of our lives of tomorrow,” sabi ni Martin.
BALIKAN KUNG ANO NGA BA ANG KINAKAILANGAN PARA MAGING ISANG MAGALING NA SINGER AYON KINA CHRISTIAN BAUTISTA AT LANI MISALUCHA SA GALLERY NA ITO:
Samantala, para ipagdiwang ang 42 years niya sa industriya ay magsasagawa si Martin ng kaniyang 'The King 4Ever' concert sa Biyernes, September 27, sa Smart Araneta Coliseum. Aniya, maaasahan ng mga manonood ang nostalgia mula sa kaniyang concert.
“Babalik tayo sa dati, sa mga songs ko, all the songs I've done in the last 42 years--hindi naman sa lahat na mga songs, but sana the songs I hope that they've been waiting to hear,” sabi niya.
Nakilala si Martin sa hit songs niya na "Be My Lady," "Kahit Isang Saglit," at "You Are my Song."