
Ang pag-record ng Kapuso program ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Personal Video Recording (PVR) feature ng GMA Affordabox.
Mas pinadali na ang recording ng mga Kapuso shows dahil hindi na ito kailangan gawin in real time. Maaari na itong i-schedule gamit ang ang Electronic Program Guide (EPG).
Paano? Just follow these simple steps:
1. Pindutin ang EPG button na matatagpuan sa remote control ng GMA Affordabox.
2. Lalabas ang program line-up ng Kapuso channel na inyong pinapanood.
3. Makikita na ang oras at ang iba pang impormasyon ng inyong paboritong Kapuso program, kaya't maaari nang planuhin ang schedule sa pag-record nito!
Ang GMA Affordabox ay ang digital TV receiver mula sa GMA Network.
Gamit ito, maaaring mapanood nang libre ang channels tulad ng GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area.
Available ang GMA Affordabox sa select locations sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Ilocos Sur, Abra, Bohol, Cebu, Leyte, Bacolod (and adjacent areas), Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (including Cagayan de Oro City), Camiguin.
Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts na @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.
Kung may iba pang tanong, tumawag sa numerong (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 between 8:00 am at 10:00 pm, o mag-email sa support@GMAaffordabox.com.
Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store at sa e-commerce platforms na Shopee at Lazada.