
Kasabay ng mga tumitinding mga tagpo sa GMA Afternoon Prime series na Underage ay nananatili ring nakatutok ang mga manonood sa bawat eksena ng serye.
Sa katunayan, nakakuha ng milyong-milyon views sa Facebook ang ilang mga eksena sa episodes ng nasabing coming-of-age series noong nakaraang linggo.
Isa na rito ay ang eksena sa 36th episode kung saan sapilitang kinukuha ni Becca (Yayo Aguila) ang kanyang pamangkin na si Chynna (Elijah Alejo) upang mailayo ito sa kanyang ina na si Lena (Sunshine Cruz) ngunit hindi pumayag ang dalaga rito.
Umani rin ng mahigit 1 million views ang eksena sa 38th episode ng Underage kung saan iniligtas ni Rico (Jome Silayan) si Lena mula sa kanyang mga tauhan, na nais pagsamantalahan ang kanyang dating nobya.
Mayroon namang 1.6 million views ang eksena sa 39th episode ng Underage kung saan sinugod ni Becca si Lena nang makita niyang kasama nito ang kanyang nobyo na si Rico. Sa naturang episode rin nalaman ni Becca na naging girlfriend noon ni Rico ang kanyang hipag.
Bukod dito, nakapagtala ng mataas na TV ratings ang 36th at 38th episodes ng Underage na ipinalabas noong March 6 at March 8, 2023.
Tutukan ang mga matitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang Underage via Kapuso Stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO: