GMA Logo Matt Lozano and Crystal Paras
Photo by: crystalparas (IG), mattlozanomusic (IG)
What's on TV

Matt Lozano, komportableng makatrabaho si Crystal Paras sa 'Voltes V: Legacy'

By Aimee Anoc
Published May 12, 2022 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano and Crystal Paras


Gaganap si Matt Lozano bilang si Big Bert sa 'Voltes V: Legacy.'

Masaya si Matt Lozano na makatrabaho si Crystal Paras sa upcoming live-adaptation series na Voltes V: Legacy.

Sa serye, gaganap sina Matt at Crystal bilang love interest ng isa't isa. Isa rin si Matt sa miyembro ng Voltes 5 team na si Big Bert.

Ayon kay Matt, nakatulong sa mga eksena nila ni Crystal ang "closeness" na mayroon silang dalawa.

"Sobrang sarap sa pakiramdam ng mga scenes namin together. And nakatulong sa akin 'yung closeness namin even before nag-sign ako sa GMA. Sobrang komportable namin sa isa't isa," kuwento ni Matt.

Sa nakaraang interview, sinabi naman ni Crystal na na-excite siyang makatrabaho si Matt. Aniya, "I'm really excited because I'll be able to shoot scenes with Big Bert, si Matt Lozano. 'Di pa po kami nakakapag-work together on set so I'm really, really excited."

Ibinahagi rin ni Matt ang excitement na maipakita sa lahat ang proyektong kanilang pinaghirapan.

"Sobrang excited kami na maipakita sa lahat ng mga nag-aabang 'yung nagawa namin kasi kami mismong mga actors sa Voltes V: Legacy hindi kami makapaniwala kasi parang nabubuhay lahat ng mga pangyayari sa anime mismo," sabi niya.

Samantala, bukod sa Voltes V: Legacy, abala rin ngayon si Matt sa studio version ng kanyang single, ang "Kwarto," na ilalabas ngayong Mayo sa ilalim ng GMA Music.

Mas kilalanin pa si Kapuso singer-actor Matt Lozano sa gallery na ito: