GMA Logo Matt Lozano
Source: mattlozanomusic (IG)
What's on TV

Matt Lozano, may mensahe para sa kanyang future girlfriend

By Kristian Eric Javier
Published March 19, 2025 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 25, 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano


Alamin ang mensahe ni Matt Lozano sa kanyang future girlfriend dito.

Happy and very single man ngayon ang Sinagtala star na si Matt Lozano, mayroon umano siyang mensahe para sa kanyang future girlfriend.

Ibinahagi niya ang kanyang mensahe sa pagbisita nila ng kanyang co-star na si Rayver Cruz sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 18.

“Para sa [aking] future girlfriend, excited akong makilala ka, excited na akong maramdaman ang iyong pagmamahal,” sabi ni Matt.

Samantala, nang hingan naman ni King of Talk Boy Abunda ng love advice si Rayver para kay Matt, sagot ng actor-dancer, hindi nito kailangan hanapin ang taong mamahalin niya dahil kusa itong darating.

“Naniniwala ako na simula't sapul, may naka-destined talaga na babae for you and 'pag nakita mo siya, mapi-feel mo 'yun e. Kagaya ko, huwag mo nang pakawalan,” sabi ni Rayver kay Matt.

Inihalintulad naman ng batikang host si Matt sa kanyang karakter sa Sinagtala na si Isko dahil sa pagtatago umano nito sa katahimikan. Kaya naman, tanong ni Boy, “Kung may makakasama ka sa katahimikan na iyon, kung bubuksan namin ngayon ang puso mo at ang katahimikan na 'yun, ano'ng pangalan ng babae ang aming makikita?”

Sagot ni Matt, “Daniela.”

Ngunit hindi na nilinaw ng singer-actor kung sinong Daniela ito.

MAS KILALANIN PA SI MATT LOZANO SA GALLERY NA ITO:

Sa naturang Afternoon Prime talk show, tinanong ni Boy si Matt kung mayroon bang nagpapangiti ngayon dito.

Sagot ng actor-singer, “Well, Tito Boy, I'm very single and masaya ako ngayon na single ako kasi mas nakawala ako sa kulungan, kumbaga. Kumbaga ngayon kasi nagagawa ko lahat ng mga gusto kong gawin ng walang hindrance.”

Ngunit pag-amin din ni Matt, nami-miss pa rin niya ang pakiramdam ng umiibig.

Tinanong din ni Boy si Matt tungkol sa kanilang female co-stars sa sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, at Arci Muñoz, “Matt, in another life, in another story, kung pipili ka ng girlfriend, sino ang pipiliin mo; si Glaiza, si Arci, o si Rhian?”

Sagot ni Matt, “Rhian. Childhood crush ko si Rhian.”

Panoorin ang panayam kay Matt dito: