GMA Logo Matteo Guidicelli
Source: matteog/IG
Celebrity Life

Matteo Guidicelli, goal ang maging Formula 1 racer noon

By Kristian Eric Javier
Published November 3, 2023 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli


Paano nga ba nagsimula si Matteo Guidicelli sa racing scene?

Ayon sa Kapuso actor na si Matteo Guidicelli, hindi naman talaga pagiging isang artista ang goal niya sa kaniyang career kundi ang maging pinaka-unang Pinoy na Formula 1 racer.

Sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ibinahagi ni Matteo na nagsimula ang career niya noong siya ay 11 years old bilang isang go-kart racer.

“I started my career 11 years old as a go-kart driver in Cebu. Every weekend, nandito na kami sa Manila dahil lahat ng mga karera, andito sa Manila. So sabi ng pamilya ko, 'might as well, let's migrate the family to Manila,'” kuwento ng aktor.

Pangarap ni Matteo noon ang maging kauna-unahang Pinoy na maging Formula 1 Racer at para magawa 'yun, kailangan niya ng mga sponsors. Dahil dito, nakilala niya ang unang manager niya na si Jojie Dingcong.

“Sabi ng manager ko that time, 'Matteo, I wil help you get endorsements' kasi 'yun 'yung point, maging known tayo bilang racer so we can get sponsorships,” sabi ng aktor.

Aminado si Matteo na mahal at magastos ang sports na racing, kaya importante para sa isang driver ang makakuha ng sponsorships. At para mas makilala at makakuha siya nito, iminungkahi ni Jojie na pumasok siya sa showbiz.

Ang sagot ni Matteo, “'Kuya Joj, that's not my route e.'”

Pag-alala ni Matteo sa sinabi niya noon sa dating manager, “'Ok 'to, mag-endorse ng products, modelling here and there, pero 'yung focus ko talaga, maging unang Pilipino sa Formula 1.'”

TINGNAN KUNG PAANO NAGING JACK OF ALL TRADES SI MATTEO SA GALLERY NA ITO:

Ayon pa kay Matteo ay dinadala siya noon ng kaniyang mga magulang sa Europe at iiwanan siya doon ng ilang buwan para maging mas-immersed sa racing. Ibinahagi pa niya kung paano siya nagtatrabaho bilang mekaniko sa mga racing teams sa edad na 15-17.

Ngunit matapos lumabas sa isang teleserye kasama ang aktres na si Andi Eigenmann ay napili ng aktor na mag-focus na lang sa showbiz.

“Sabi ko mahirap din itong pangarap na maging unang Pilipino sa Formula 1 kasi 'yung market po natin dito sa Philippines, we don't have that large market that accepts or supports Formula 1,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito, “Formula 1 is a very niche sport e, it's very expensive and we don't have corporations that could sponsor that large amount of money to a driver.”

Inihayag din ni Matteo na masyadong mababa ang level ng competition sa Pilipinas kumpara sa Europe kaya naman kahit pa nagta-top three siya rito, suwerte lang umano ang umabot siya sa top 50 sa ibang bansa.

“It was very difficult so I stopped and pursued showbusiness 100 percent,” sabi niya.