
Ilang araw matapos ang kanyang contract signing sa GMA, sumabak na agad si Matteo sa kanyang first assignment bilang Kapuso.
Kahapon, May 15, pormal na siyang ipinakilala bilang bagong host ng GMA flagship morning show na Unang Hirit, kung saan nagpakitang gilas agad siya sa pagluluto ng Italian food.
Nakilala at nakasama na niya ang UH barkada sa studio na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, Mariz Umali, Atty. Gaby Concepcion, Shaira Diaz, at Kaloy Tingcungco.
Bukod sa UH barkada, excited na rin si Matteo na makatrabaho ang iba pang Kapuso stars tulad ni Ruru Madrid na makakasama niya sa upcoming action series na Black Rider, na ipo-produce ng GMA Public Affairs.
Sa nakaraan niyang media conference, ibinahagi pa ni Matteo ang iba pang GMA artists na gusto niyang makatrabaho.
Aniya, nais niyang makasama sa isang proyekto sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, at Ryan Agoncillo na kapwa niya motorcycle enthusiast.
Ipinahayag din ni Matteo na wish niyang makasama on screen ang fitness buddies niya na sina Drew Arellano, Iya Villania, Solenn Heussaff, at maging ang asawa ng huli na si Nico Bolzico
Samantala, nakatakdang mag-host si Matteo ng isang docu sa GMA Public Affairs at sports special sa ilalim ng GMA Synergy.
TINGNAN DITO ANG ILANG TAGPO SA CONTRACT SIGNING NI MATTEO SA GMA: