GMA Logo Matteo Guidicelli as Pendro Penduko
What's Hot

Matteo Guidicelli promises a different 'Pedro Penduko' in modern version

By Kristian Eric Javier
Published November 28, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam: P2-B Tulong Dunong budget for 2026 to fall under CHED
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli as Pendro Penduko


Alamin ang pinagkaiba ng 'Penduko' ni Matteo Guidicelli mula sa mga naunang bersyon nito.

“I think 'yung take ko ng Pedro Penduko namin, 2023 version directed by Jason Paul Laxamana, iba.”

Sa ganiyang paraan inilarawan ni Matteo Guidicelli ang version nila ng kilalang Pinoy folk hero movie na Penduko na ipalalabas sa nalalapit na 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Sa interview niya sa online show na Iskoverynight, sinabi niyang iba ang original Pedro Penduko films nina Ramon Zamora at Janno Gibbs, at TV series ni Matt Evans kumpara sa kanilang 2023 film version.

“It correlates talaga with the modern world today. The influence of social media, the influence of the internet, the influence of what's happening today in the world kumbaga,” pagbabahagi ng aktor.

Dagdag pa ng aktor ay mananatili ang kulturang Pilipino sa pelikula tulad ng mga anting-anting, albularyo, mixed martial arts, at folklore.

Orihinal din umano ang kuwento ng kanilang pelikula. Pagbabahagi ni Matteo, “It's about a Filipino Boy na dreamer, gusto maging successful para sa pamilya niya, para sa sarili niya, not knowing that he could change the community, the whole world, with his power.”

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG IBA PANG PINOY HEROES AT ANG MGA CELEBRITIES NA GUMANAP SA KANILA:


Sa hiwalay na interview ni Matteo kay Lhar Santiago sa Chika Minute para sa 24 Oras, inamin niyang lumapit siya sa pari matapos gawin ang ilang intense na eksena mula sa pelikula.

“Parang napasukan ako ng ibang espiritu so medyo nag-transform si Penduko. Na-realize ko after that shooting day na, grabe, tindi pala 'yun,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor ay ilang panalangin di ang kaniyang isinambit bago lumapit sa pari.

Masaya rin si Matteo sa reaksyon ng kaniyang asawa na si Sarah Geronimo nang ipalabas ang trailer ng pelikula.

“I was very very happy when my wife, Sarah said 'Love, maganda 'yung trailer ha, maganda.' And just with that, she's the affirmation I needed, kumbaga,” pagbabahagi niya.

Sa interview sa Iskoverynight, inamin ni Matteo na kinakabahan siya dahil ito ang unang sabak niya sa MMFF.

“First time kong mag-MMFF kaya sobrang inakabahan na nga ako e, sana magustuhan ng mga ating mga kababayan,” sabi ng aktor.