GMA Logo Matteo Guidicelli taping for Penduko
Source: matteog (IG)
What's Hot

Matteo Guidicelli, sinimulan na ang taping ng 'Penduko'

By Marah Ruiz
Published August 23, 2023 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 14) - Day 2 | GMA Integrated News
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli taping for Penduko


Nagsimula na si Matteo Guidicelli sa taping ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na 'Penduko.'

Sumabak na sa unang araw ng taping ang aktor na si Matteo Guidicelli para sa upcoming action fantasy film na Penduko.

Ibinahagi ni Matteo ang ilang behind-the-scenes photos mula sa set ng kanyang pelikula.

Makikita dito ang aktor na suot ang kanyang black leather sleeveless costume.

Kasama rin niya dito ang writer at director ng pelikula na si Jason Paul Laxamana at ang co-star niyang si Kylie Verzosa.

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Sa sarili naman niyang Instagram account, ipinasilip din ni Kylie ang sexy black leather costume ng kanyang karakter.

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)

Ang Penduko ay isa sa entries para sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Isa ito sa apat na pelikulang unang inanunsiyo matapos matanggap sa taunang film fest base sa script nito.

Source: matteog (IG)

Ang pelikula ay hango sa iconic Pinoy comic book character na si Pedro Penduko, isang lalaking lumalaban sa kampon ng kadiliman sa tulong ng isang anting-anting. Ang komiks at ang karakter ay likha ni National Artist for Literature Francisco V. Conching.

Matatandaang si singer-actor James Reid ang unang pangalan na na-attach sa proyekto ng reimagined story ni Pedro Penduko sa ilalim ng direksiyon ni Treb Montreras. Nag-withdraw si James sa pelikula dahil sa isang spinal injury.

Inanunsiyo naman noong October 2019 na si Matteo ang papalit sa kanya sa pelikula.

Bukod sa pelikulang Penduko, nakatakda ring mapanood si Matteo sa upcoming full action series ng GMA Public Affairs na Black Rider na pagbibidahan ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.