
Kilala si Matthew Mendoza noong '90s bilang isa sa mga pinakagwapong leading men. Ngayon, pinagsisilbihan naman niya ang Puerto Prinsesa City bilang konsehal simula noong 2013.
Nang tanungin siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 9, kung kailan at paano siya magbabalik sa showbiz, sinabi ni Matthew na hindi naman talaga siya umalis. Sa halip, nag-lie low lang umano siya.
“Maybe someday, siyempre right now, involved ako sa politics, ayoko rin na masira ko because when I committed myself to public service, sabi ko, I don't mind doing movies, pero I really have to set a date for it,” sabi ni Matthew.
Ayon sa kanya, kadalasan ay libre siya simula Huwebes hanggang Sabado. Ngunit Lunes hanggang Miyerkules, abala siya sa kanilang opisina sa Puerto Prinsesa City.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAGWAGI SA ELEKSYON 2025 SA GALLERY NA ITO:
Ngunit kahit abala sa kaniyang trabaho sa gobyerno, aminado naman si Matthew na marami na rin siyang nami-miss sa showbiz. At ang pinakahinahanap-hanap niya, ang kanilang tapings.
“Sometimes it could be fun, sometimes nakakapagod, nakakapuyat, pero it's something na -- like lately, sabi ko hindi ako sanay dahil matagal na akong hindi nagte-taping, pero not everybody was given a chance to do this,” pahayag ni Matthew.
Dagdag pa ng aktor, kahit nakakapagod at nakakapuyat, fulfilled pa rin siya sumabak sa taping.
“Sabi ko, kahit nakakapuyat, para sa 'kin, na-fu-fulfil ako dahil after mo mag-tape, mapapanood mo, parang 'I did something,'” saad ni Matthew.
Panoorin ang panayam kay Matthew sa video na ito: