
Itinanghal na 4th place sa katatapos lamang na season 19 ng Britain's Got Talent ang Filipino singer na si Matty Juniosa.
Para sa kanyang final piece, pinahanga ni Matty ang lahat sa kanyang powerful performance ng awitin ni Sinéad O'Connor na "Nothing Compares 2 U."
Matapos ang kanyang performance, nagsitayuan ang audience, maging ang apat na judges, habang malakas na nagpapalakpakan at hiyawan.
Puno rin ng papuri ang judges na sina Simon Cowell, Alesha Dixon, Amanda Holden, at KSI sa naging performance ng Filipino singer.
Sa kanyang naging journey sa Britain's Got Talent ay nakakuha si Matty ng dalawang Golden Buzzers. Una, mula kay Simon matapos ang kanyang rendition ng "Purple Rain" na nag-advance sa kanya sa semifinals, at pangalawa, mula kay Amanda sa kanyang performance ng "Dream On" na nagbigay sa kanya ng puwesto sa finals.
Ang Hawkstone Farmers Choir ang nagwagi sa kompetisyon, na sinundan ng Celestial at dance duo na sina Anastasiia at Salsa.
Related gallery: Get to Know Matty Juniosa, 'Britain's Got Talent's' golden buzzer star: