
Dahil sa kanyang angking ganda at kaseksihan, maraming lalaki ang sumubok kumuha ng atensiyon ng aktres na si Maui Taylor.
Gayunpaman, hindi daw lahat ng ito ay may maayos o malinaw na intensiyon.
Kuwento ni Maui na ilang beses na rin siyang nakatanggap ng "mixed signals" mula sa mga lalaki.
"Ang tawag ko sa mga ganyang klaseng guys is 'palitaw' kasi lumulubog sila tapos lumilitaw. Kumbaga parang they're trying to send out signals pero bigla naman silang mawawla. So yes, na-experience ko na 'yan, a lot of times," bahagi niya.
Noong 2023, inamin ni Maui na hiwalay na sila ng kanyang longtime non-showbiz partner na si Anton Sabarre.
Biniyayaan sila ng dalawang anak at magkakasama pa rin sila sa iisang bahay para maayos nilang maisagawa ang co-parenting sa mga ito.
Kasalukuyang napapanood si Maui sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Gumaganap siya dito bilang Dolores, dating kapitana sa barangay nina Lolong (Ruru Madrid).
Sa kanyang pagbabalik sa Tumahan, susubukan niyang makabalik sa kapangyarihan. Muli niyang tutulungan si Dona (Jean Garcia) sa masasamang balak nito.
Panoorin ang trailer para sa ika-walong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.