GMA Logo Maui Taylor
What's Hot

Maui Taylor admits breakup with longtime partner

By Nherz Almo
Published January 28, 2023 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Maui Taylor


Bagamat hiwalay na sa kanyang partner, inamin ni Maui Taylor na nagsasama pa rin sila sa iisang bahay kasama ang kanilang mga anak.

“Single ako ngayon.”

Ito ang pag-amin ni Maui Taylor nang tanungin siya ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media tungkol sa estado ng kanyang love life kamakailan.

Kasunod nito ay diretsahan niyang sinabi na matagal na silang hiwalay ng kanyang longtime partner. Gayunman, agad niyang nilinaw na nagsasama pa rin sila sa iisang bahay at maayos na itinataguyod ang kanilang dalawang anak na lalaki.

“We're co-parenting. We're in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan,” sabi niya.

Ayon pa sa Hello, Universe actress, hindi nila diretsong napag-usapan ang kanilang estado pero tila parehong silang sang-ayon sa ganitong setup.

Sa katunayan, “parehong bumitaw” ang naging paglalarawan niya sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

“Alam namin sa sarili namin na hanggang doon na lang. Hanggang seven years na good run din, tapos yung last three [years] wala na,” dagdag ni Maui.

Dahil iba sa normal na buhay mag-asawa ang setup ngayon ni Maui at dating partner, hindi ba ito napapansin ng kanilang mga anak?

Sagot niya, “Siguro nagtataka sila kung bakit ako nasa kabilang room. Ang sinasabi ko na lang palagi is may vertigo ako. May vertigo naman talaga ako. Ang sinasabi ko lang, malikot silang matulog, hindi ako makakatulog, mahihilo ako. So, maggu-good night lang sila sa gabi.”

Samantala, nang tanungin kung nawawala ba ang pagmamahal, tila may hugot ang sagot ni Maui, “Oo naman. Siguro kapag nagiging stagnant ang isang relationship, walang growth.”

Sabay sabi niya tungkol sa kanyang nakaraang relasyon, “Trinay naman, pero siguro masyado nang malalim yung cause ng problem kaya hindi na magawang ihakbang pa.”

Dahil dito, nag-iwan ng payo si Maui tungkol sa pagmamahal. Aniya, “Huwag mo ibigay ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo, which is yun ang ginawa ko. I think, that's the reason why I'm okay. I mean, darating ang araw na parang, 'Ay…' Sabi nga nila, it's okay not to be okay. So yun, leave something for yourself kasi yun ang makakatulong sa 'yo in the worst-case scenario.”

Bagamat single na ngayon, hindi pa naman daw naiisip ng sexy actress ang pumasok sa bagong relasyon. Hindi rin daw ito ang dahilan kaya inamin niyang hiwalay na sila ng kanyang longtime partner.

Sabi pa niya tungkol sa pag-e-entertain ng mga nagpapahayag ng paghanga sa kanya, “Kahit naman in a relationship ka, generally speaking, kapag gusto ka ng isang tao, may mag-e-express. Nasa iyo na lang yun kung ano ang gagawin mo about it.

“I mean, hindi naman ako pangit. Pleasant naman ako na tao, so meron at meron times [na nagpaparamdam], it's just that dedma ka lang.”

Kaugnay nito, malinaw naman daw ang pag-uusap nila ng kanyang dating partner pagdating sa pagkakaroon ng bagong karelasyon.

Sinabihan niya ako, 'I know, I cannot make you happy,' sabi niya, 'Sabihan mo na lang ako kapag may nahanap ka na.'”

Sa ngayon, bukod sa pag-aalaga ng kanyang mga anak, gusto munang mag-focus sa kanyang showbiz career na muling naging aktibo simula noong pandemic.

Bukod sa pagiging bahagi ng hit GMA Telebabad series na Lolong, nakagawa rin si Maui ng anim na pelikula. Isa na rito ang Hello, Universe, written and directed by Xian Lim, na kasalukuyang mapapanood sa mga sinehan.

Naghahanda na rin siya sa short appearance niya sa upcoming GMA series na The Write One at ang pagbabalik ng Lolong.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SA HOTTEST LOOKS NI MAUI TAYLOR DITO: