GMA Logo Mavy Legaspi, Kyline Alcantara
What's on TV

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, may bagong ipapakita sa kilig series na 'Love at First Read'

By Jimboy Napoles
Published May 17, 2023 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara


Malapit nang mapanood ang first-ever primetime series together nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na 'Love at First Read.'

Matapos mapanood sa iba't ibang serye ng GMA, bibida naman ngayon sa kanilang first-ever primetime series together ang isa sa hottest love teams ngayon na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa inaabangang TV adaptation ng hit Wattpad novel na Love at First Read.

Sa panayam ng GMANetwork.com kina Mavy at Kyline o MavLine, proud na ibinahagi ng dalawa na kakaibang atake sa kanilang mga karakter ang mapapanood sa nasabing series na malayo raw sa mga nagawa na nila noon.

“For the longest time ang nakikita nila is 'yung friendship namin ni Kyline, 'yung mga sweet moments, kilig moments, pero in here makikita niyo talaga 'yung drama side namin as a loveteam,” ani Mavy.

Ayon pa sa aktor, malaking adjustment ang kaniyang ginawa para sa series dahil kinakailangan niya umanong sumabay sa galing ng kaniyang on-screen partner na si Kyline.

Aniya, “Kyline is a seasoned actress, nag-primetime na siya dati, heavy drama, and we know her as a solo actress pero 'yung drama between MavLine, that's something you should look forward to kasi kakaiba. Of course nandoon pa rin 'yung kilig moments, and how we play our characters 'yun ang dapat abangan ng fans.”

Kaugnay ng sinabi ni Mavy, naging challenge para kay Kyline ang lumayo sa heavy drama na nakasanayan na niya.

“Well sa akin dahil sinabi nga po ni Mav na sanay ako sa mga dramas, dito ako na-challenge kung paano magiging light 'yung atake kasi drama pero not that heavy drama.”

Pahayag pa ng dalawa, ayaw nilang mabigo ang kanilang mga tagasuporta at maraming fans ng Love at First Read na isinulat ng Filipino author na si Chixnita.

“We gave our respect also to the author, Chixnita for how she created the character, Kudos, and Angelica, we don't want to upset her and of course the millions of fans of Love at First Read,” saad ni Mavy.

Makakasama ng MavLine sa nasabing series ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan at Kapuso young heartthrobs na sina Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at TikTok stars na sina Gabby, at Kiel Gueco o mas kilala bilang Gueco Twins.

Mapapanood din sa serye ang seasoned actors na sina Jestoni Alarcon, Jackie Lou Blanco, at Maricar de Mesa.

Ang Love at First Read ay ang second installment ng Luv Is series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MASAYANG PICTORIAL NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: