
Aminado ang aktor na si Mavy Legaspi na naka-relate siya sa kaniyang karakter sa digital series ng GMA Public Affairs na Zero Kilometers Away, kung saan ginagampanan niya si Ardi, ang lalaking na in-love sa kaniyang best friend na si Gwen (Kyline Alcantara).
Ayon kay Mavy, napagdaanan at pinagdadanan niya ngayon ang kuwento ni Ardi dahil hindi niya alam if aamin siya sa best friend niya.
"Kaya na-enjoy ko 'tong 'Zero Kilometers Away' dahil nakaka-relate [ako] talaga, and I went through it, and I'm still going through it, actually, through a phase na kung aamin ba talaga sa isang best friend o hindi," pagtatapat ni Mavy.
"Because ang daming factors talaga na, I'm sure maraming makaka-relate, na 'yung big difference na maging partner at saka maging best friend. Iba talaga 'yung differences, but, at the end of the day, it's really up to two, and depende talaga kung you are willing to take the next step, or are you willing to make a lot of sacrifices din, and be willing to deal with the consequences, both good and bad."
"Na-experience ko na 'yun, and I'm still experiencing it. And it's the best feeling dahil alam ko, nanggagaling naman sa puso ko."
Parehas na parehas naman sa pinagdadanan nina Mavy at ang co-star niya sa Zero Kilometers Away na si Kyline Alcantara.
Aniya, "Parehang parehas! Yes, of course, nagkaroon din po kasi ako ng phase, or I'm still in that phase, na I don't know if I should take the next step, or just doon lang sa friendship na 'yun?"
Mapapanood ang Zero Kilometers Away simula March 10, 6:00 p.m. sa GMANetwork.com at sa GMA Public Affairs Facebook page at YouTube Channel!
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SWOON-WORTHY PHOTOS NI MAVY SA IBABA.