
Patuloy ang pag-apaw ng pagmamahal at suporta sa latest Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition evictees na sina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman.
Isa sa mga nagpahayag ng kaniyang pagmamahal ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition host at Kapuso star na si Mavy Legaspi.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Mavy ang kanilang reunion ng ex-housemate na si Klarisse, na kilala na rin ngayon bilang “Nation's Mowm.”
“Wahaha nagkita na ulit kami ni Mowmmm!!!” ani Mavy online.
Tuluyan na ngang namaalam Island Ate ng Cebu na si Shuvee Etrata at ng ka-duo nitong si Klarisse de Guzman na tinaguriang Kuwela Soul Diva ng Antipolo sa hit reality TV show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong Sabado, June 14.
Ligtas naman mula sa eviction sina Dustin Yu at Biana De Vera, o mas kilalang DusBi, at and duo nina AZ Martinez at River Joseph na AZVer.
Ngunit pagkatapos ng kanilang madamdaming eviction ay balik-bahay sina Shuvee at Klarisse, kasama ang iba pang ex-housemates na sina Vince Maristela, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Ashley Ortega, and AC Bonifacio bilang House Challengers.
Ano nga kaya ang kanilang dalang pagsubok sa mga natitirang housemates na sina Will Ashley, Dustin Yu, Mika Salamanca, Charlie Fleming, AZ Martinez, Ralph De Leon, Bianca De Vera, Brent Manalo, Esnyr, at River Joseph.
Subaybayan ang natitirang tatlong linggo ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition mula Luness hanggang Biyernes, 9:35 p.m., at tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
SAMANTALA, KILALANIN NAMAN SI NATION'S MOWM KLARISSE DE GUZMAN SA GALLERY NA ITO