GMA Logo Mavy Legaspi and Ashley Ortega
Celebrity Life

Mavy Legaspi, sinorpresa si Ashley Ortega ngayong Valentine's Day

By EJ Chua
Published February 14, 2025 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Ashley Ortega


Nag-celebrate ng kanilang first Valentine's Day ang Sparkle stars na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.

Sweetness overload ang dala ng bagong magkarelasyon na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi ngayong Valentine's Day.

Kasabay ng kabi-kabilang selebrasyon para sa Araw ng mga Puso, sinorpresa ni Mavy ang kaniyang girlfriend at fellow Sparkle star na si Ashley.

Sa Instagram Stories, ilang clips ang in-upload ng Kapuso actress, kung saan ibinida niya ang malaking bouquet of flowers na iniregalo sa kaniya ng Kapuso actor.

Bukod dito, mayroon ding love letter na natanggap si Ashley mula kay Mavy na talaga namang nagpakilig sa una.

Sa iba pang clips, makikitang sumilip si Mavy habang hawak niya ang kaniyang pasabog na Valentine gift para kay Ashley.

Kinumpirma ni Ashley ang estado ng relasyon nila ni Mavy sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong February 10.

Sa naturang panayam, ikinuwento ng aktres sa King of Talk na si Tito Boy Abunda na mga bata pa lang ay magkakilala na sila ni Mavy.

Ipinaliwanag din niya na nagsimula silang magkamabutihan ni Mavy matapos ang hiwalayan ng huli at ng kapwa nila Sparkle star na si Kyline Alcantara.

Samantala, bago ang big revelation, naging usap-usapan sa social media ang Instagram posts nina Ashley at Mavy tungkol sa kani-kanilang Sinulog Festival experience at photos.

Maligayang Araw ng mga Puso, Ashley at Mavy!

RELATED CONTENT: Real-life Kapuso couples that make us believe in us