
Muling naghatid ng good vibes ang The Master Cutter actress na si Max Collins sa kanyang bagong reel kasama ang Korean host na si Ryan Bang.
Sa Instagram post ng Kapuso star, mapapanood ang mala-music video reel niya kasama si Ryan gamit ang kantang “Kakaibabe” ng actress-content creator na si Donnalyn Bartolome.
“Di pa tapos ang kwento,” sulat ni Max sa kanyang caption.
Marami ang naaliw na netizens at celebrities sa bagong reel ni Max. Komento ng singer at It's Showtime host na si Darren Espanto, “HAHAHA #RyMax or #BangCo?”
Reply naman ni Max, "BangCo wahahaha."
PHOTO COURTESY: @maxcollinsofficial (Instagram)
Bago ito, inilabas ni Max ang kanyang video kasama sina Ryan, Nicole Cordoves, Brent Manalo, at Arianah Kelsey kung saan ipinakita nila ang kanilang moves sa kantang "The Way You Make Me Feel" ni Michael Jackson.
Nakasama na rin ng celebrity mom ang It's Showtime hosts na sina Darren at Jackie Gonzaga sa kanyang fun reels.
Related gallery: Max Collins and her 'Sobrang Latina' looks on 'It's Showtime'
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.