GMA Logo max collins
Source: maxcollinsofficial (IG)
What's Hot

Max Collins, bibida sa isang action film

By Nherz Almo
Published June 10, 2022 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

max collins


Isang madreng assassin ang gagampanang role ni Max Collins sa upcoming digital movie.

Timeout muna sa drama ang Kapuso actress na si Max Collins dahil sa susunod niyang proyekto ay isang action film naman ang kanyang gagawin.

"Aksyon na aksyon, bumabaril, tuma-tumbling, lahat," paglalarawan ni Max nang makausap siya sandali ng ilang entertainment media sa ginanap na grand launch AQ Prime Stream sa Conrad Hotel, Pasay City, noong Hunyo 4.

Maiksing paglalarawan pa niya tungkol sa karakter na kanyang gagampanan, "Madre na assassin. Ayaw ko muna magkuwento masyado kasi hindi pa buo yung story."

Excited na raw si Max sa kanyang gagawing pelikula, na may tentative title na Blood and Love, kaya naman ngayon pa lamang ay iba-ibang uri na ng pag-eensayo ang ginagawa niya bilang paghahanda.

Ayon kay Max, ilan sa ginagawa niya ngayon ay fight training, gymnastics, shooting, firing. Dagdag niya, "Para, siyempre, may mapapanood kayo na bago sa akin."

Mapapanood ang pelikulang ito soon sa bagong local streaming app ng AQ Prime Entertainment. Ito rin ang kumpanyang nag-produce ng 2021 Metro Manila Film Festival movie ni Winwyn Marquez, ang Nelia, na mapapanood din sa parehong streaming app.

Sa grand launch ng naturang app, ipinakita rin ang kanilang mga nakalinyang digital movies kabilang na ang Huling Lamay, kung saan isa sa mga bida ang Kapuso comedian na si Buboy Villar. Makakasama niya sina Marlo Mortel at Lou Veloso sa horror movie na ito, na ididirehe ni Joven Tan.

Source: AQ Prime

Mapapanood sa naturang streaming app ang original local films tulad ng Ligaw, Huling Lamay, Pula ang Kulay ng Gabi, Bingwit, Anatomiya, Cuatro, Sosyal Medya, Abandoned, at iba pa.

Samantala, tingnan ang workout photos ni Max na ultimate fitspiration sa gallery na ito: