
Naghatid ng good vibes online ang Kapuso star na si Max Collins kasama ang It's Showtime host na si Ryan Bang at beauty queen na si Nicole Cordoves.
Ibinahagi ng The Master Cutter actress sa Instagram ang kanyang recent reel kasama sina Ryan, Nicole, pati ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Brent Manalo at Mini Miss U 2023 grand winner na si Arianah Kelsey.
Ipinakita nila ang kanilang cool moves sa kanta ni Michael Jackson na “The Way You Make Me Feel.”
Nag-iwan naman ng komento si Ryan sa post ni Max. Aniya, “Ang galing ko sumayaw dito! Grabe!”
Reply naman ng aktres, “best dancer ka talaga hehe.”
Bukod dito, nakasama rin ni Max ang It's Showtime hosts na sina Darren Espanto at Jackie Gonzaga sa isang masayang dance reel.
Noong mga nakaraang araw, kabilang ang Kapuso star sa mga hurado ng "Miss Q & A Reyna Talak-era 2026" ng It's Showtime.
Kasalukuyang napapanood si Max Collins sa GMA Prime series na The Master Cutter.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: Max Collins and her 'Sobrang Latina' looks on 'It's Showtime'