
Ipinakilala ni Maxine Medina sa kanyang Instagram account ang kanyang bagong karakter sa telebisyon matapos ang hit primetime series na First Yaya at sa sequel nitong First Lady.
Mapapanood si Maxine sa upcoming GMA series na Magandang Dilag, kung saan gaganap siyang kontrabida ng kapwa beauty queen niyang si Herlene Budol.
Sopistakada ang kanyang role na may pangalang Blaire na isang popular na celebrity stylist and fashion designer.
Sa kanyang post, ipinakita niya ang kanyang mga unang larawan bilang Blaire kung saan nakasuot siya ng puting damit.
Sa comments section, marami ang nagpaabot ng pagbati kay Maxine para sa kanyang bagong proyekto, kabilang na ang First Yaya and First Lady lead star at co-star niyang si Sanya Lopez.
Karamihan sa mga nagkomento ay excited sa new show at puro papuri kay Maxine pero kapansin-pansin ang isang komento tungkol umano sa pagtaas ng timbang ni Maxine, na ni-reply-an naman ng aktres.
Hindi nagpatinag si Maxine sa komento tungkol sa kanyang pisikal na hitsura at sinabing "really? I think so too but I still look good, ikaw?" kalakip ang isang smiley.
Hindi ito ang unang beses na sumagot si Maxine sa kanyang basher sa social media.
Matatandaang pabiro niyang pinatulan ang isang netizen na nagsabing ginagaya niya si Miss International 2016 Kylie Versoza.
TINGNAN SA GALLERY NA ITO ANG IBA PANG BEST REACTION NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS: