
May pressure mang nararamdaman pero mas excited ang social media star na si May Ann Basa o mas kilala bilang "Bangus Girl" para sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang MAKA.
Sa Gen Z series na MAKA, makakasama ni May Ann ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at Chanty Videla. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Tingnan, cast ng MAKA
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa naganap na pictorial ng MAKA, ipinarating ni May Ann ang excitement na nararamdaman para sa unang teen show sa GMA.
"Ang role ko po rito sa 'MAKA' ay isang tindera sa palengke at basher," sabi ni May Ann. "Grabe, I'm so excited po mga Kapuso kasi ito po 'yung first series ko rito sa GMA so dapat abangan n'yo po talaga."
Ayon kay May Ann, "malayo sa personality" niya ang gagampanang karakter sa MAKA kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam ng "pressure."
"Bukod sa tindera ako... kasi in real life mga Kapuso hindi po ako basher pero ngayon nape-pressure ako kasi parang medyo malayo siya sa personality ko, 'yung pagiging basher," sabi niya.
Looking forward naman si May Ann sa young stars na makakatrabaho sa serye at matuto mula sa kanila.
"Ini-expect ko kasi ito 'yung second time ko na mag-a-acting and nilu-look forward ko na matuto sa ibang kasamahan ko. Kasi 'yung mga kasama ko rito medyo matagal na rin sila sa industry so hopefully na matutunan ko 'yung na-learn nila rito."
Abangan si May Ann sa MAKA, simula September sa GMA.