
Ngayong February 2024, isang bagong karakter ang mapapanood sa GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang bagong karakter ay may kaugnayan sa role ni Allen Dizon sa serye na si Doc Carlos.
Sa teaser video na inilabas ng programa ngayong Lunes, February 5, 2024, ipinasilip na ang ilang eksena tungkol sa karakter na malapit nang ipakilala.
Makakatanggap ng phone call si Doc Carlos mula sa ibang babae.
Buhay pa nga ba ang asawa niya?
Magbabalik na nga ba sa buhay ni Carlos si Irene Benitez?
Ano kaya ang magiging epekto ng pagpaparamdam niya sa bagong buhay ngayon ng doktor?
May mga rebelasyon bang mabubunyag tungkol kay Doc Carlos?
Makilala kaya ng bago niyang asawa na si Lyneth (Carmina Villarroel) si Irene?
Silipin ang ilang kaabang-abang na eksena sa video sa ibaba:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye sa Abot-Kamay Na Pangarap show page.