GMA Logo bullet jalosjos and dominic roque
What's Hot

Mayor Bullet Jalosjos, nilinaw ang tunay na kaugnayan kay Dominic Roque

By Jimboy Napoles
Published February 20, 2024 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

bullet jalosjos and dominic roque


Nilinaw ni Mayor Bullet Jalosjos ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Dominic Roque.

Isa ang pangalan ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos sa mga nadawit sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque kamakailan.

Lumabas kasi ang bali-balitang may relasyon diumano sina Mayor Jalosjos at Dominic nang mapag-alaman na ang condo unit na tinitirhan ng aktor ay nakapangalan sa alkalde.

Sa interview ng journalist na si Jay Ruiz kina Mayor Jalosjos at Congressman Bong Suntay, nilinaw ng Dapitan Mayor ang totoong ugnayan nila ni Dominic.

Ayon kay Mayor Jalosjos halos sampung taon na silang magkaibigan ni Dominic at nag-umpisa ito dahil sa kanilang hilig sa pagmo-motorsiklo.

Aniya, “Magbabarkada talaga kami. Nag-umpisa 'yan sa pagmo-motor, nagkakarera kami sa Clark. From there, naging good friends kami. We started doing businesses, nagtutulungan kami.

“Kaya nakakapagtaka na umabot sa ganito na genders namin pinagkakaguluhan na ngayon ng marami at nagtatanong kung talagang lalaki ba talaga kami. Nakakatawa lang 'yung issue actually pinagtatawanan na lang namin.”

Paglilinaw pa niya, “Clarify ko lang, actually, 'yung condo totoong akin talaga 'yon.”

Dagdag pa no Mayor Jalosjos, “Ginawa ko siyang Airbnb. Siyempre, as a friend, barkada, si Dom, asked me if I want to have it rented… Natawa na nga lang ako bakit tumalon 'yung issue from business to binahay na, e.”

Dito ay naglabas din ng saloobin si Mayor Jalosjos sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya at sa kaibigang si Dominic.

Aniya, “Sana naman itong mga nagkakalat, claiming they are mga batikang journalist, sana naman ingat ingat rin. They have responsibility to the people dapat fact-finding. Hindi 'yung nalaman nila n nasa pangalan ko 'yung condo sugar daddy na 'ko bigla. Ang problema doon sinakyan, ginagaslight nila 'yung issue.”

Dagdag pa ni Mayor Jalosjos, hindi nakakatulong ang mga ganitong balita sa sitwasyon ngayon ni Dominic at dapat ay pagbayarin ang mga ito sa pagpapakalat ng fake news.

“Naawa rin kami kay Dom. Affected na nga 'yung tao sa breakup ili-link pa kami sa kaniya. Kami, pinagtatawanan lang talaga namin pero at some point kailangan talagang tumigil and I think these people have to be also reprimanded. Kailangan may consequences, may batas tayo,” anang alkalde.

Bukod kay Mayor Jalosjos, isa rin sa mga naugnay kay Dominic ay si Congressman Suntay na diumano'y bumili ng gasoline station para sa actor-model.

Paglilinaw ni Cong. Suntay, “It's very easy naman to find the truth e… Kung talagang magri-research lang makikita nila as early as five years ago talagang brand ambassador na si Dominic.

"Ang nakakagulat nga 'yung pinost pa nilang picture 'yung contract signing namin ni Dom na kinukuha siyang endorser. Wala ring katotohanan na binigyan siya ng gasoline station.”

Samantala, balikan ang relationship timeline nina Dominic at Bea sa gallery na ito: