GMA Logo mc muah
Source: mcmuah (Instagram)
What's on TV

MC Muah, limang taong umasa sa nagustuhang kapwa performer sa comedy bar

By Jimboy Napoles
Published September 30, 2023 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

mc muah


MC Muah: "Ang hirap maka-move on, Tito Boy."

Inamin ng It's Showtime host at komedyanteng si MC Muah na minsan na siyang na-in love sa kapwa niya performer sa comedy bar.

Sa September 27 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, masayang nakipagkuwentuhan sina MC at ang kaniyang longtime friend na si Lassy sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Bukod sa kanilang pagsisimula sa showbiz, tinanong din ni Boy sina MC at Lassy tungkol sa kanilang mga naging love life.

Kuwento ni MC, nagkagusto na siya noon sa kapwa niya performer sa comedy bar.

“Bumuwelta naman 'yung minahal mo? Nag-reciprocate?” tanong ni Boy kay MC.

Sagot naman ng komedyante, “Ay, Tito Boy, ang sakit ng tanong mo. Four or five years umasa ako.”

Ayon kay MC, sobra siyang nasaktan noon lalo na at unang beses niyang magkagusto sa kapwa niya LGBT member.

“Painful sobra. Ang hirap pala ng ganun. Ang hirap maka-move on, Tito Boy,” ani MC.

Dagdag pa niya, “Sanay po kasi kami ni Vice Ganda, Tito Boy, na kapag nagmahal, 'yung straight, sa straight. First time nga na hindi naging kami ay 'yung kalahi namin, natin 'yung ganun.”

Pag-amin ni MC, binalaan na rin siya noon ni Vice na huwag magkagusto sa hindi straight.

“So sabi ni Vice, 'wag ka diyan, hindi mo alam ang pasikot-sikot diyan. Baka in the end masaktan ka. Pinangunahan niya na kasi alam niya na, at yun ang nangyari,” ani MC.

“Wala namang mali sa pagmamahal. Ang mali lang ay 'yung taong minahal mo,” mensahe naman ni Lassy sa kaibigang si MC.

Related content: Inspiring celebrity LGBTQIA+ couples

Mapapanood sina MC, Lassy at Vice, sa noontime show na It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, tuwing 12:00 ng tanghali sa GTV.

Patuloy din na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.